Connect with us

Viral

Asong napabayaan at pagala-gala na lang, umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Hindi maipagkakaila na talagang marami nang nagbago sa nakalipas na mga taon. Nariyan na nga ang naranasan nating matinding pandemya na sumubok sa ating katatagan at pananampalataya.

Gayundin naman ang patuloy na paglala ng “climate change” at “global warming” na hindi lamang nakakaapekto sa atin kundi maging sa maraming mga hayop at halaman. Hindi na rin mabilang ang mga krimen at kaguluhan sa maraming panig ng mundo.

Maging ang pagdami ng mga abandonado at mga inaabusong mga hayop ay dumarami na din. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang larawan na ito ng isang kawawang aso na nakatanaw sa isang pamilyang dala ang mga alaga nila.

Makikita ang mahirap na kalagayan ng aso dahil sa sobrang payat ng katawan nito at tila napakaraming galis sa buong katawan niya. Nakatanaw siya sa ilang mga aso na masaya kasama ang kanilang pamilya, ang kanilang mga amo.

Marahil nasa isipan nila kung nasaan na rin ba ang kanilang mga mahal sa buhay. Kung bakit sila ay nag-iisa at talagang nahihirapan sa buhay. Kahit na maayos na matutulugan o malinis na pagkain at inumin ay wala sila.

Maraming mga netizens ang naka-“relate” sa larawang ito. Sa panahon kasi natin ngayon, marami na ring mga kabataan ang hindi kumpleto ang pamilya.

Marahil ay hindi na nakayanan pa ng kanilang mga magulang ang mga problema at pagsubok kung kaya naman pinili na lamang nilang maghiwalay. Naiiwanan ang mga anak sa isang magulang na lamang o di kaya naman ay sa kanilang mga lolo at lola.

Samantala, may ilang mga netizens din ang nagparating ng pagnanais nilang matulungan ang kawawang aso. Mayroon ding gustong mag-aampon dito.

Ngunit ayon sa nagbahagi ng larawan na ito ay hindi na niya makita pa sa lugar ang kawawang aso. Hanggang sa ngayon ay pilit pa rin niyang hinahanap ang aso upang matulungan ito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.