Connect with us

Viral

Nobyo, inalok pa rin ng kasal ang kaniyang kasintahan kahit na malala ang karamdaman nito at nakaratay na sa ospital!

Published

on

Paano nga ba natin masasabi na tunay at wagas ang pag-ibig natin sa isang tao? Sapat na ba ang makita niyang naririyan tayo para sa kanila o di kaya naman ay basehan ba ang mga materyal na bagay na kaya nating ibigay sa mga ito?

Kamakailan lamang ay napukaw ang atensyon ng publiko sa kwento na ito ng isang Pilipina na nakilala sa pangalang Viktoria. Ayon sa kaniya, nagkakilala sila ng kaniyang nobyo na si Nicholas sa San Francisco.

Talaga namang nagkasundo sila dahil sa kanilang mga pagkakatulad at pagkakaiba. Hindi naman nagtagal at napamahal na sila sa isa’t-isa.

Bagamat naging “long distance relationship” ang kanilang set-up ay nagagawa nilang mapagtagumpayan ang lahat ng mga problemang dumarating sa kanila. Ngunit isang napakabigat na pagsubok ang dumating sa kanilang relasyon nang minsang isinugod sa ospital si Viktoria dahil sa napakataas nitong lagnat. Isang buwan din siyang na-coma ng mga panahong iyon.

Hindi siya iniwanan ng kaniyang ina at ng kaniyang nobyong si Nicholas. Tinapat din ng kaniyang mga doktor ang kaniyang pamilya na tila hindi na ito makakaligtas pa sa kaniyang karamdaman.

Mayroon daw kasi siyang Stevens – Johnson syndrome at toxic epidermal necrolysis. Talagang nanghina ang kaniyang katawan at pumayat siya ng husto na halos hindi na siya makilala pa ng mga tao sa kaniyang paligid.


Sa kabila nito, hindi naman nagdalawang-isip pa si Nicholas na alukin ng kasal ang kaniyang nobya nang magising ito mula sa kaniyang pagkaka-coma. Nasa mahirap mang kalagayan ay pumayag si Viktoria sa alok na kasal ng nobyo.

Lumipas pa ang ilang linggo at ilang buwan ay mas gumaganda na ang kaniyang kalagayan. Unti-unti na ring nagbabalik ang kaniyang timbang at pangangatawan.

Makalipas ang tatlong taon ay ikinasal ang dalawa na talaga namang ipinagbunyi rin ng mga taong nakapaligid sa kanila. Nasaksihan ng lahat kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.