Connect with us

Viral

Isang husky ang nagligtas sa 7 abandonadong kuting na ito sa kakahuyan – nilinis at kinalinga niya ang mga ito na para bang kaniyang mga anak!

Published

on

Si Banner ay isang alagang husky ni Whitney Braley. Nang minsang hindi ito mapakali ay labis na nagtaka ang kaniyang amo ngunit sa halip na pagalitan o pagdudahan ay talagang nagtiwala na lamang siya sa kaniyang alaga.

Ayon sa pagkukwento ni Braley, natitiyak niyang parang may kakaiba sa kaniyang alaga ng mga oras na iyon na tila ba may nais itong iparating sa kaniya ngunit hindi lamang niya ito masabi-sabi. Kung kaya naman nang umalis ang kaniyang alaga at nagtungo sa kakahuyan ay agad niya itong sinundan.

Nang makakita sila doon ng isang kahon ay nagpaikot-ikot naman si Banner na naging hudyat para kay Braley na silipin kung ano ang nasa loob ng kahon na iyon. Nang buksan na niya ito ay bigla namang ipinasok ni Banner ang kaniyang ulo at paglabas ay mayroon na itong kagat na kuting!

Hindi nagtagal at binuksan na nila ng tuluyan ang kahon, dahilan upang makita nilang may anim pa palang kuting doon.

“I was shocked. They weren’t making any noises, so I thought they might be dead. But they were all alive. Someone must have just put them into a cardboard box, closed the lid tight and left them there to die. They probably thought that no one would ever discover them,” Pahayag ni Braley.


“I don’t even know how Banner knew they were in there. The kittens were freezing and weren’t meowing or anything. She just knew somehow. She is a true hero. If she didn’t find the kittens, they would have all died.” Dagdag pa niya.

Para sa kaniya, hindi tama na basta na lamang iniiwanan o inaabandona ang mga kawawang kuting na ito sa lugar kung saan wala silang kalaban-laban at malaki ang posibilidad na masawi sila. Plano na ni Braley na ibigay sa kung sino ang nagnanais na mag-alaga sa kanila ang mga kuting na ito ngunit napansin niyang tila may kakaiba sa kinikilos ng kaniyang alaga.

Palagi itong nasa tabi ng mga kuting, palagi rin niya itong binibilang, at talagang inaalagaan ng husto. Tila ba nais nitong maging ina sa pitong mga kuting.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.