Connect with us

Viral

Isang misteryosong isla kung saan tumatangkad pa ang mga taong nagpupunta dito, usap-usapan ng publiko!

Published

on

Noong kabataan natin, marami sa atin ang pinapatulog sa tanghali ng ating mga magulang dahil nais nilang tumangkad tayo. Para naman hindi tayo mapalo ay talagang sinusunod natin ang ating mga magulang.

Mayroon ding iilan na nagsasabing ang pagtalon sa Bagong Taon ay nakakapagpatangkad gayun din daw ang pagkain ng margarine at iba pang mga pagkain at bitaminang pampatangkad. Lingid sa kaalaman ng publiko, mayroon palang isang misteryosong isla kung saan maaari pa raw tumangkad ang mga taong nagpupunta roon?

Karamihan nga daw sa mga taong naninirahan doon ay talagang matatangkad. Kahit mga dayuhan na matatangkad na ay tumatangkad pa raw lalo kapag nanirahan dito kahit panandalian lamang.

Dahil dito ay binansagan na itong “The Grow Taller Island”. Ang islang ito ay ang isla ng Martinique na matatagpuan sa Eastern Caribbean.

Ito ay isang maliit na bansa lamang na mayroong land area na 1,090 square kilometer at populasyon na halos 315,000. Karamihan sa mga naninirahan sa isla ay matatangkad na indibidwal.

Ang mga kalalakihang Martinican ay nasa 190 cm ang taas habang ang mga kababaihang Martinican naman ay nasa 174 cm. Kung ang isang lalaking Martinican ay may taas na 180 cm, tiyak na “dwarf” o dwende ang tawag ng mga kakilala niya sa kaniya.


Nakakamangha na kahit mga dayuhan – bata man o matanda – ay maaari pa ring mas tumangkad sa lugar na ito. Ayon sa ilang sabi sabi, talagang mayroong ganitong pagkakataon kung saan talagang tumatangkad ang mga taong naroroon sa isla.

Ngunit hindi lamang pala mga tao ang tumatangkad dito dahil maging mga hayop din. Tulad na lamang halimbawa ang mga langgam, langaw, salagubang, butiki, ahas, daga, at marami pang iba.

Ang mga daga nga raw dito ay lumalaki na kasing laki ng mga pusa! Natuklasan ng mga eksperto na ang dahilan pala ng paglaki nilang ito ay ang “Black spar crystal” na isang radioactive mineral na maaaring magdulot ng paglaki o pagtangkad ng isang tao o hayop sa lugar.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.