Connect with us

Viral

Isang matanda at bulag na aso ang inabandona ng kaniyang mga amo, nakatagpo ng lalaking magmamahal at kakalinga sa kaniya!

Published

on

Mayroong isang aso na 16 na taong gulang na. Sa mga hayop tulad ng mga aso ay “senior” na silang maituturing.

Bulag na ang isang mata nito at bingi na rin. Nakakalungkot lang na tuluyan na siyang inabandona ng kaniyang mga amo dahil sa kaniyang malalang karamdaman – kanser.

Marahil inaakala ng aso na ito na wala nang pag-asa para sa kaniya dahil matanda na siya at hindi rin magtatagal ay masasawi na siya. Ngunit naging mapalad pa rin siya dahil nakilala niya ang taong magmamahal at kakalinga sa kaniya sa kabila ng kaniyang kapansanan.

Ayon sa ilang mga ulat, Henry ang pangalan ng asong ito na dinala sa shelter ng kaniyang mga amo. Marahil dahil na rin sa sakit nitong “testicular canc3r”.

Kahit ipagamot ay hindi na nagawa ng kaniyang pamilya at ang tanging ginusto lamang nila ay tuluyan na siyang mawala sa kanilang tahanan. Dahil dito ay talagang nasaktan nang husto si Henry.

Mababakas sa kaniyang mukha at sa kaniyang mga kilos ang labis na kalungkutan. Malala ang naging epekto sa kaniya ng kaniyang sakit.

Maging ang kaniyang pagkilos at paglalakad ay naapektuhan na rin. Nang makita ni Zach Sjow ang kaniyang sitwasyon ay talagang nalungkot ito.
Batid niyang kailangan ng asong ito ng tulong sa nalalabing buhay niya dito sa mundo. Determinado si Zach na matulungan si Henry sa abot ng kaniyang makakaya.

Habang naghihintay ng tulong upang maipagamot o madala man lamang sa isang “hospice foster” si Henry ay kina Zach na muna siya tumuloy kasama ang pamilya nito. Isang gabi ay bigla na lamang nagkaroon ng lakas ng loob si Henry na tumayo at maglakad sa hardin nina Zach.

Hindi sila makapaniwalang magagawa pa ito ni Henry kung kaya naman labis ang naging kaligayahan nila. Lumipas pa ang mga araw at lalong naging mabuti ang kalagayan ni Henry.

Nagawan din ng paraan ni Zach na sumailalim siya sa isang “surgical treatment” para sa kaniyang kans3r. Hindi nagtagal at nakahanap na rin sila ng pamilyang kukupkop at magmamahal kay Henry sa nalalabing mga araw ng kaniyang buhay bilang isang “senior dog”.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.