Connect with us

Viral

Video ng mga nakakaantig na pagsasama at pagkikitang muli ng mga aso at kanilang mga amo, silipin!

Published

on

Ang pagkakaroon ng alagang hayop – kahit na anong klase pa ito ay talagang nangangailangan ng oras at panahon. Hindi lamang basta nabilhan mo sila ng pagkain at nabigyan ng inuming tubig ay sapat na.

Kailangan ding pagtuunan ang kanilang kalusugan kung saan kakailanganin mo silang ilabas paminsan-minsan, kailangan nilang maglakad-lakad, maglaro, at tumakbo. Gustong-gusto din ng mga alaga nating hayop na hinahaplos at hinihimas-himas ang kanilang balahibo.

Kung masyado tayong abala sa maraming mga bagay ay tiyak na malulungkot sila. Kamakailan lamang, umantig sa puso ng publiko ang videos ng mga asong ito.

Grabe ang pananabik nilang makita ang kanilang mga minamahal na amo. Talagang makikita mo ang pagkawag ng kanilang mga buntot, ang kanilang pagtalon, at ang kanilang mga pagtahol.

Maraming mga netizens din ang tila naka-relate sa mga videos na ito dahil karamihan sa kanila ay mayroon ding mga alagang aso. Ang sarap nga naman sa pakiramdam sa tuwing uuwi ka galing trabaho at sasalubungin ka ng mga alaga mong ito na tila ba miss na miss ka.


Hindi na nakapagtataka ang ganitong mga tagpo dahil marami naman talaga sa atin ang malapit sa kanilang mga alagang hayop. Madalas na turing natin sa kanila ay mga anak o di kaya naman ay bahagi na ng ating pamilya.

Kung kaya naman sa tuwing may sakit sila o may mga pagkakataon na binabawian ng buhay ay labis labis din ang nagiging pagdadalamhati natin. Nakakatuwang isipin na marami pa rin sa atin ngayon ang totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa mga alaga nating hayop.

Sa dami ng mga hayop na inaabandona ngayon, ang isa sa magagawa natin ay ang maging isang responsableng pet owner, hindi ba? Kung kaya naman sa tuwing mag-aampon o bibili tayo ng alaga nating aso, pusa, isda, o kahit exotic pet pa huwag sana nating kalimutan na may buhay din sila na dapat nating pakaingatan at paka-alagaan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.