Connect with us

Viral

Prince William, sinabing mahalaga ang mga alagang hayop sa panahon ng pagdadalamhati ng pamilya!

Published

on

Setyembre 2022 nang makipagdaupang-palad ang ilang miyembro ng Royal family sa publiko sa labas ng Windsor Castle bilang pag-alaala sa namayapang Reyna na si Queen Elizabeth II. Sila ay tinagurian ng publiko bilang “The Fab Four”.

Ang mga ito ay sina “The Prince of Wales”, William, ang kaniyang kapatid na si, Prince Harry, at ang kanilang mga misis na sina Kate Middleton at Meghan Markle. Pinasalamatan nila ang mga taong nakikidalamhati sa kanilang pamilya dahil sa pagpanaw ng reyna.

At dahil mahilig talaga si Queen Elizabeth II sa mga aso partikular na sa mga Corgi kung kaya naman marami sa kanilang mga tagahanga ang nagdala ng kanilang mga alagang aso bilang pagsuporta. Si Prince William ay isa ring kilalang dog lover, at ito ang naging pag-uusap nila ng isa sa mga dog owners na naroroon.

“Oh look, who’s this?” Tanong ni Prince William sa isa sa mga dog owners na naroroon. Sumagot naman ito at sinabing Luna ang pangalan ng kaniyang alaga.

“Hello Luna. You’re very sweet, Luna. Dogs at this time are so important. I give my dog a lot of cuddles at the moment. I’ve got a little spaniel called Orla. She’s very sweet.” Pagkukuwento ng Prinsipe.

Nakiramay ang amo ni Luna sa Prinsipe na agad din namang nagpasalamat sa kanilang pakikiramay. Noon pa man ay marami na ring naalagaan na mga aso si Queen Elizabeth II.
Nagkaroon siya ng 30 mga corgi sa buong buhay niya. Sa kaniyang 70 pamumuno sa England o Inglatera ay madalas siyang nakukuhanan ng larawan kasama ang mga alaga niyang aso.

Dahil dito ay mas nadaragdagan pa ang mga taong nagnanais na magkaroon ng mga alaga nilang aso. Ang mag-asawang Prince William at Duchess of Cambridge, Kate Middleton, ay mayroon ding alagang cocker Spaniel na si Lupo ngunit pumanaw ito taong 2021 na talagang ikinalungkot din nila.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.