Connect with us

Viral

Isang restaurant owner ang palaging nagluluto at nagbibigay ng makakain sa mga asong kalye na ito!

Published

on

Nakilala ng publiko si Ortiz bilang isang mabait at mapagbigay na restaurant owner sa Peru. Nagtitinda siya ng masarap na BBQ na talaga namang binabalik-balikan ng kaniyang mga suki.

Ngunit hindi lamang pala sila ang nasasarapan sa kaniyang mga produkto. Dahil limang taon na ang nakararaan ay mayroong isang espesyal na kostumer siya na nagpaluto sa kaniya ng makakain.

Ito ay isang asong ligaw na talagang gutom na gutom na. Nang masilayan ni Ortiz ang kaawa-awang kalagayan ng aspo ay hindi niya ito magawang mapaalis sa harap ng kaniyang kainan.

Bagkus ay ipinagluto at binigyan niya ito ng masarap na makakain. Hindi nagtagal at tila kumalat ang magandang balita ng pagtulong ni Ortiz sa aso na iyon.

Mayroon kasi ulit na mga asong tila nagpapaluto sa kaniya ng makakain. Hindi naman sila binigo ni Ortiz at talagang ipinagluto sila ng masasarap na pagkain.

Nagulat din siya nang malaman niyang batid pala ng mga tao sa kanilang lugar ang kabutihang kaniyang ginagawa. Sa kabila nito, para sa kaniya, ang mga aso na ito ang isa sa pinakamainam niyang mga parokyano.

“For me, they are the best customers,” Pahayag ni Οrtiz.


Dagdag pa niya, nagbabayad din daw naman ang mga aso na ito sa kanilang mga nakain sa kaniyang munting kainan. Hindi nga lang pera o cash ang ibinabayad nila kundi ang pagkawag ng kanilang mga bundot at tila ngiti sa kanilang mukha na nagpapasalamat dahil mayroong isang taong nagmalasakit sa kanila kahit na sila ay mga simpleng hayop lamang.

Hindi naman nakapagtataka kung bakit mas lalong lumalago at pinagpapala ang negosyo na ito ni Ortiz. Dahil sa kaniyang kabutihang-loob, hindi lamang sa kaniyang mga taong kostumer kundi lalo na sa mga kostumer niyang aso sa kanilang lugar.

Nakakabilib dahil sa panahon natin ngayon ay mayroon pa rin palang mga taong tulad ni Ortiz na hindi pera pera lang ang hangarin sa buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.