Connect with us

Viral

Isang 80-anyos na barber, ayaw itapon ang kaniyang barber’s chair dahil sa sentimental value nito!

Published

on

Hinangaan ng publiko ang 80 taong gulang na barbero na ito dahil sa kabila ng kaniyang edad ay talagang nagsusumikap pa rin siya sa buhay. Siya ay nakilala ng publiko bilang si Tatay Piping na mula sa Aparri, Cagayan.

Taong 2018 daw nang maitampok ang kaniyang kwento sa vlog ni “BecomingFilipino”. Labis na humanga ang vlogger sa matanda dahil sa kabila ng kahirapan at maraming pagsubok sa buhay ay talagang hindi ito sumusuko.

Hindi rin daw ito nanghingi ng kahit ano sa kaniya kahit na siya ay isang dayuhan at isang vlogger. Taong 2022 naman Hulyo, nang maitampok siyang muli sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Talagang mas umantig sa puso ng publiko ang kaniyang kwento dahil sa kaniyang edad ay nagpapatuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. Php50 daw talaga ang singil niya sa paggugupit ngunit sa ngayon dahil na rin sa hirap ng buhay ay kahit magkano na lamang ang kaniyang tinatanggap mula sa mga taong nagpapagupit sa kaniya.

Inamin din niyang malabo na rin daw ang kaniyang mga mata dahil sa katandaan ngunit tinatandaan na lang daw niya ang parte na kaniyang ginugupitan upang hindi masugatan ang kaniyang kostumer. Mayroon ding nagtanong sa kaniya kung bakit hindi pa niya palitan o ipamigay ang luma niyang barber’s chair.

Ayon sa kaniya, mayroon daw itong sentimental value sa kaniya kung kaya naman hinding-hindi niya raw ito itatapon o ipamimigay.

“Nagsisilbing masayang alaala ito ng pamumuhay ko dito. Mahalaga ito sa akin dahil iyong pera na ipinambili ko dito, e, pera namin ng asawa ko. Kaya hindi ko din ito pwedeng itapon.” Pahayag ni Tatay Peping.

“Iyong pagmamahal ko sa misis ko ay parang pagmamahal ko na din sa upuan na iyan.” Dagdag pa niya.

Sa ngayon ay nakatanggap siya ng biyayang tulong mula sa programa ng KMJS at sa kanilang government unit. Napagpatayo siya ng munting barber shop at mayroon ding nagbigay sa kaniya ng ilang mga gamit at supplies.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.