Connect with us

Viral

Isang sweet na pusa na nag-comfort sa kaniyang kapatid habang bumabagyo, kinagiliwan ng publiko!

Published

on

Sinong nagsasabing moody at walang pakialam ang mga alaga nating pusa? Marahil, maraming mga indibidwal ngayon ang magsasabi na karamihan sa kanilang mga alagang pusa ay tila walang pakialam sa kanila at may mga sariling mundo.

Ngunit tila iba ang mga alaga na ito ni Emma Patricia. Mayroon kasi siyang apat na mga pusa at isang aso. Lahat sila ay nagkakasundo.

Napansin niyang dalawa sa kaniyang mga pusa, sina Norman at Noah ay mayroong espesyal na ugnayan. Hindi lamang dahil silang dalawa ay magkapatid kundi dahil matalik din silang magkaibigan.

Ayon kay Emma, natagpuan ng kaniyang kapatid si Noah noong ito ay isang kuting pa lamang sa gilid ng ilog. Nakita niya kung gaano kahirap ang kalagayan ng kawawang pusa kung kaya naman minabuti na niyang iuwi ito sa kanila.

Hindi lamang para maging ligtas ito kundi upang magkaroon na rin siya ng mas maayos na buhay. Dito na nakilala ni Noah si Norman at mula noon ay naging matalik na silang magkaibigan.

Ang trato ni Norman kay Noah ay parang isa nang kapatid. Halos hindi na talaga sila napaghihiwalay pa.
Isang araw ay nakaranas daw ng matinding bagyo ang kanilang lugar. Habang kumakain ng kaniyang almusal si Emma ay naglalaro naman ang mga alaga niyang sina Noah at Norman.

Laking gulat niya dahil nakita niya kung paano i-comfort ni Norman si Noah habang pinagmamasdan nila ang pagpatak ng ulan sa kanilang bintana. Lumapit siya sa kaniyang kapatid at inakbayan nito.

Halatang takot na takot si Noah ngunit mapalad siya dahil kasama niya ang nakatatanda niyang kapatid. Kinuhanan ito ng larawan ni Emma at agad na ibinahagi online.

Hindi rin naman nagtagal at mas maraming mga netizens ang namangha sa dalawang pusang ito. Aakalain mong parang mga tao ang mga pusa na ito dahil sa pagiging sweet nila sa isa’t-isa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.