Connect with us

Viral

Isang cute na tuta ang hindi mapigilan ang kaniyang ngiti dahil sa pag-thumbs up na ito ng lalaki!

Published

on

Marami na rin sa ating mga Pilipino ang nakapag-alaga at hanggang ngayon ay nag-aalaga pa rin ng mga hayop. Nariyan na ang mga aso, pusa, ibon, at marami pang iba.

Kahit pa nga iyong mga nakakatakot o exotic na mga hayop ay mayroon ding iilan sa atin na nag-aalaga. Bilang mga pet owners, kilala natin at batid natin ang kakayahan ng ating mga alagang hayop.

Kung kaya naman marami sa atin ang nagiging “proud” pet owners dahil sa mga pambihira nilang talento. Tulad na lamang halimbawa ng isang tuta na ito na mayroong kakaibang abilidad na ipinamalas niya sa pamamagitan ng isang video.

Napaka-cute talaga ng tuta na ito na hindi mapigilan ang kaniyang pag-ngiti sa tuwing makikita niya ang pag-thumbs up na ito ng kaniyang amo. Anim na taong gulang na ang Bichon Frise na si Buddy.

Sila ay nakatira sa Liverpool, England kasama ang kaiyang owner na si Kelly Ellise Lockett at ang pamilya nito. Kahit pa nga mukhang manika ito, hindi maipagkakaila na mayroon itong nakakatuwang personalidad.

Kung kaya naman hindi lang niya napapasaya ang kaniyang pamilya kundi maging ang maraming mga tao sa buong mundo. Lalo pa nang kumalat ang napakacute niyang video.
Sa naturang video ay makikita si Buddy na nakatingin sa kaniyang amo. Nang makita niyang nag-thumbs up ito ay agad siyang napangiti!

Ayon sa kaniyang mga amo, masayahin daw talaga si Buddy noon pa man. Ngunit sa tuwing makikita niya talaga ang thumbs up ng kaniyang fur daddy ay hindi na napipigil pang siya ay mapangiti.

Maging ang kaniyang buong pamilya ay giliw na giliw pa rin sa pagka-bibo niyang ito.

“Buddy responds to certain key words with a smile but Buddy smiles all the time. We all laugh at him every time and he knows it gets a positive response so he does it more.” Pahayag ni Kelly.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.