Connect with us

Viral

Isang aso na 20 taong gulang na, hindi makatulog nang hindi katabi ang paborito niyang stuffed toy!

Published

on

Noong tayo ay mga bata pa, marahil marami sa atin ang hindi makatulog kapag hindi yakap ang paborito nating mga stuffed toy o unan. Tila ba hindi tayo mabubuhay kung wala ang mga ito sa ating tabi upang maging “comfort” at “security” natin.

Ngunit maliban pala sa atin, mayroon ding ilang mga hayop na hindi makatulog kung wala ang kanilang paboritong laruan? Tulad na lamang ng isang asong ito.

Siya si Tessa, isang 20 taong gulang na senior dog. Kahit pa senior na siyang maituturing ay mayroon pa rin siyang puso ng isang bata.

Hindi siya makatulog sa tuwing hindi niya yakap yakap ang kaniyang “banana stuffed toy”. Noon pa man, palagi nang iniingatan at pinoprotektahan ni Tessa ang lahat ng kaniyang mga gamit.

Ayon sa mga amo ng terrier-mix na si Tessa, grabe din daw ito kung magprotekta sa kaniya ang kaniyang alaga ngunit mas iba ang proteksyon niya sa ka kaniyang banana stuffed toy. Maaaring simple at ordinaryo lamang ang stuffed toy na ito ngunit para kay Tessa ay espesyal ito.

Limang taon na ang nakararaan, binili ito ng kaniyang fur mom na si Shanna Loren. Nagdesisyon siyang ibili ng bagong laruan si Tessa matapos masira ng isa pang aso niya ang laruan nito.
“I fοund it in a clearance bin at a pet stοre, but I knew it was the size οf tοys she likes. She immediately tοοk tο the banana the mοment I gave it tο her.” Pagkukwento nito.

Sobrang mahal ni Tessa ang kaniyang paboritong stuffed toy na kahit sa pagtulog ay talagang katabi niya ito. Dala rin niya ito kahit saan siya magpunta.

Hindi din siya pumapayag na palitan ng kahit ano ang laruan niyang ito. Sa tuwing may mga bisita nga sila ay talagang ipinapakita ito ni Tessa sa mga bisita at gusto rin niyang napapansin ito ng mga bisita.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.