Connect with us

Viral

Isang aso na muling nakasama ang kaniyang mga ninakaw na tuta, labis ang pasasalamat sa mga taong tumulong sa kaniya!

Published

on

Mayroong mag-asawa na nakakita ng mga kawawang tuta na ito sa daan. Nagulat silang makita ang siyam na mga tutang ito na palaboy-laboy lamang sa isang bakanteng lote.

Dahil sa labis silang nahabag sa kalagayan ng mga tuta na ito ay agad silang bumili ng dog food upang mapakain ang mga tutang ito na gutom na gutom. Napansin din nilang mayroong ginawang silungan para sa mga tuta na ito.

Nakakaawa ang kanilang kalagayan dahil sa wala silang ina na sana ay magpoprotekta sa kanila. Wala rin silang malinis na pagkain at inuming tubig dito.

Nang ikalawang araw ay muling binalikan ng mag-asawa ang lugar kung nasaan ang mga tuta upang dalhan sila ng pagkain at inumin. Napansin nilang may isang tuta na nasa sulok lamang at ayaw kumain.

Dahil matamlay ito ay dinala nila ito sa beterinaryo. Napag-alaman ng doktor na mayroong namamagang bituka ang tuta.

Marahil ito ay dahil sa mga nakain nitong bagay sa bakanteng lote kung saan sila natagpuan ng mag-asawa. Pinangalanan ng mag-asawa ang tuta ng Chucky.

Kailangan nitong manatili sa klinika hanggang sa maging mabuti na ang kaniyang kalagayan. Dahil sa labis na awa ng mag-asawa sa mga tuta ay nagdesisyon silang ibahagi ang mga larawan nila sa Instagram na kaagad namang umani ng maraming komento at reaksyon mula sa mga netizens.

Hindi nagtagal ay nakatanggap sila ng tawag mula sa pamilyang diumano ay nagmamay-ari ng mga tuta. Ayon sa pamilyang ito ay mayroong isang asong gala na kinupkop nila.

Buntis ito ay sa bahay na nila nanganak. Siyam na tuta raw ang naging anak nito.

Isang araw ay bigla na lamang daw nawala ang mga tuta sa lugar kung saan nanganak ang nanay na aso. Hindi rin nagtagal at naiuwing muli ang mga tuta sa kanilang ina.

Tuwang-tuwa ang nanay na aso dahil sa wakas ay makakapiling na niyang muli ang kaniyang mga tuta.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.