Connect with us

Viral

Isang kuting na mayroong espesyal na kondisyon, kinupkop ng isang mabuting ginang!

Published

on

Sa iba’t-ibang panig ng mundo, marami tayong nakikita at nababalitaan na mga inabandona o di kaya naman ay inabuso na mga hayop. Nakakalungkot isipin na hanggang sa mga panahong ito ay marami pa rin ang mga taong walang pakialam at walang malasakit sa mga kawawang hayop na ito.

Madalas na nakikita natin sila sa lansangan – walang makain at walang malinis na inumin man lamang. Delikado din ang kanilang buhay dahil maraming maaaring mangyari sa kanila sa lugar na ito.

Walang may gusto sa espesyal na kuting na ito na kahit sino. Mayroon kasing “hydrocephalus” ang kuting na ito kung kaya naman walang gustong mag-ampon o mag-alaga dito.

Kahit na isa sa mga nakakakita sa kaniya ay walang gustong tumulong at magmalasakit dito. Hanggang sa nakita siya ni Lisa.

Hindi siya nagdalawang-isip na kupkupin at dalhin ang kuting sa kaniyang tirahan. Sobrang maliit ito sa kaniyang edad ngunit sa kabila nito ay kapansin-pansin ang pagiging malakas nitong kumain.

Pinangalanan siya ni Lisa na Zeke. Hilig niyang maglaro sa loob ng kanilang bahay at ang palagi niyang kinukulit ay ang isa pang pusa ni Lisa.

Tunay nga na kung hindi dahil kay Lisa ay hindi magkakaroon ng isa pang pagkakataon si Zeke na magkaroon ng maayos at komportableng buhay. Buti na lamang at mayroon pa ring mga taong katulad ni Lisa na handang tumulong sa mga hayop na inabandona at tila pinabayaan na ng kanilang mga pamilya.

Hindi talaga pare-pareho ang mga sitwasyon natin sa mundo. Hindi lamang mga tao kundi maging mga hayop ay nakakaranas din ng hindi magagandang bagay.

Kung kaya naman bilang tagapagbantay at tagapag-alaga nila, sana ay mas maging responsable tayo. Hindi dahil may malala silang karamdaman ay iiwanan na lamang natin sila at pababayaan.

Wala silang ibang maaasahan kundi tayo lamang – tayo lamang ang maaaring kumalinga at magmalasakit sa kanila sa mga panahong katulad nito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.