Connect with us

Viral

Isang “clear photograph” ng insekto labis na nagpamangha sa publiko, nanalo pa ng parangal sa isang international competition!

Published

on

Sa araw-araw nating buhay, napakarami nating natutuklusan sa ating sarili na mga bagay na kaya pala natin. Napakarami din namang mga pangyayari na hindi mo lubos akalain na magaganap! Sabi nga nila, “Life is unpredictable.”

Ngunit kahit gaano pa ka-unpredictable ang buhay natin sa ngayon, hindi pa rin natin maiiwasan ang mamangha at bumilib sa mga bagay bagay. Halimbawa na lamang ang isang “clear photograph” ng insektong ito.

Sa unang tingin ay talagang mamamangha at mangingilabot ka sa hitsura nito at hindi mo aakalain na ito pala ay isang malapit na larawan ng isang langgam! Langgam na nakikita natin halos kahit saan – sa ating bahay, sa ating opisina, sa palaruan, sa ospital, at maging sa ating mga pagkain.

Ang “close-up portrait” na ito ng isang langgam ay kuha mismo ng photographer na si Eugenijus Kavaliauskas. Nagwagi rin ito ng parangal sa 2022 Nikon Small Photomicrography Competition.
Ang larawang ito ay “magnified” ng limang beses sa isang microscope. Talaga namang pumatok sa maraming mga netizens ang larawang ito.

Hindi lamang dahil sa nakakamanghang hitsura nito kundi dahil sa kilabot na dala nito sa tuwing tititigan mo ito. Ilang mga netizens pa nga ang nagpahayag ng kanilang mga komento dito.

May ilang nagsasabi na hindi sila makapaniwalang larawan iyon ng isang langgam na madalas ay nahihigop nila sa kanilang mga kape at iba pang inumin. Kahit nga sa mga pagkain na naiwanan natin sa mesa ay maaari din nating makita ang mga ito.

Ito rin ang mga insektong madalas ay kinaiinisan natin dahil sa pagkagat nito sa atin o sa ating mga anak.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.