Connect with us

Viral

Nawawalang pet tortoise ng isang pamilya, natagpuan sa kanilang attic nang buhay at malusog makalipas ang 30 taon!

Published

on

Lumaki si Nathalye De Almeida sa mga magagandang kwento ng kaniyang ina tungkol sa alaga niyang tortoise na si Manuela noong siya ay bata pa lamang. Marahil ito ay noong taong 1980s.

Taong 1982 raw nang mawala si Manuela at walong taong gulang pa lamang noon ang ina ni Almeida. Ang paniniwala ng buong pamilya ay naligaw si Manuela at hindi na nagawa pang makabalik sa kanilang tahanan.

Ngunit nagkamali sila dahil ito pala ang tunay na nangyari. Nang pumanaw ang lolo ng nanay ni Almeida ay kinailangan nilang silipin ang mga lumang gamit nito na nasa attic ng kanilang tahanan.

Nang unti-unti na silang nagligpit at naglinis ng mga gamit ng kanilang lolo sa attic ay mayroon silang kakaibang nakita. Sa lumang kahoy na speaker ay naroroon ang kanilang pet tortoise na si Manuela, buhay at talagang masiglang-masigla pa!

“We were shocked! My mom arrived crying because she didn’t believe it. They found Manuela!” Pahayag ni Almeida.

Tatlong dekada palang naroroon lamang si Manuela sa kanilang storage area. Dahil sa maraming anay sa lugar na iyon ay nakatagal si Manuela sa kanilang attic.


“Manuel is doing great. He’s grown a lot. I brought him in to live with me because I have a lot of affection for him.” Dagdag pa ni Almeida.

Tuwang-tuwa ang buong pamilya dahil sa wakas ay natagpuan nilang muli si Manuela. Hindi na nga napaghihiwalay pa sina Almeida at Manuela.

Palagi niya itong pinapakain, hinahalikan, at talagang inaalagan ng husto. Tunay nga na marami sa atin ang napamahal na sa ating mga alagang hayop.

Hindi lamang alaga ang turing natin sa kanila kundi bahagi na ng ating mga pamilya. Kung kaya naman kapag nawala sila ay talagang napakasakit nito sa atin.

Buti na lamang at bumalik muli si Manuela at mas naging kumpleto at maligaya pa ang kanilang buong pamilya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.