Connect with us

Viral

Kinagigiliwan ngayon ng publiko ang Corgi na ito na mayroong hugis-pusong marka sa kaniyang ilong at bawat makakasalubong sa daan ay talagang niyayakap!

Published

on

Marami na tayong pamamaraan ngayon kung paano masasabi sa mga taong mahal natin na mahal natin sila. Lalo na at laganap na rin talaga ang internet at iba pang social media platforms.

Kung ang marami sa atin ay kailangan pang magsalita o gumawa ng ilang mga bagay upang mapakitang mahal nila ang isang tao, para sa isang Corgi na ito, sa mukha pa lamang niya ay makikita mo na ang pagmamahal na hinahanap mo. Ito ay dahil na rin sa hugis-pusong marka sa kaniyang ilong na talaga namang kinagigiliwan ngayon ng marami.

Siya ay si Wallace. Isang napaka-cute at happy-go-lucky na corgi. Kahit na sinong makasalubong nito sa daan ay talagang niyayakap niya!

Ang kaniyang fur daddy na si Noah Raminick ay talaga namang nagugulat pa rin sa tuwing may makakasalubong sila na niyayakap ng kaniyang alagang aso. Marahil sa tuwing nakakakita siya ng ibang mga aso ay hindi na niya napipigilan pa ang labis niyang kagalakan kung kaya naman talagang niyayakap niya ang mga ito.

Hindi lamang siya palakaibigan dahil napaka-cute din ng kaniyang ilong na madalas ring napapansin ng marami. Ayon naman kay Raminick, mapalad siyang magkaroon ng alagang aso tulad ni Wallace at ang pagiging cute nito ay para bang “bonus” na lamang sa kaniya.


Kaligayahan at ngiti ang naibabahagi ni Wallace sa mga taong nakapaligid sa kaniya at natutuwa rin naman si Raminick na masaksihan ito sa araw-araw. Marahil marami rin ang nagtataka kung paano niya nayayakap ang mga aso na mas malaki sa kaniya.

Talagang tumatayo ito ng husto at inaabot ang mga asong mas malaki sa kaniya para lamang mayakap niya pa rin ang mga ito. Para naman sa mga mas malilit na aso sa kaniya, sinisigurado ni Wallace na magiging komportable ang mga ito at hindi matatakot sa kaniyang presensiya.

Hindi niya hinahayaan na may matakot o mabalisa na aso dahil sa kaniya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.