Connect with us

Viral

Isang golden retriever ang naluluha-luha pa matapos makita ang kaniyang amo na limang taon niyang hindi nakasama!

Published

on

Mapalad ang isang lalaking ito na matapos maka-graduate ng hayskul ay nabigyan ng pambihirang pagkakataon na makapagtrabaho sa ibang bansa na mayroong magandang kita. Nang mga panahong iyon ay mag-isa lamang siyang naninirahan sa inuupahan niyang bahay.

Mayroon din siyang alaga na isang golden retriever. Ilang buwang gulang pa lamang noon ang golden retriever na ito nang makalipat siya sa kaniyang bahay.

Naging malapit talaga sila sa isa’t-isa. Nagkaroon din ng ilang pagkakataon na natuturuan ng lalaki ng ilang tricks ang kaniyang aso.

Napansin ng lalaki na matalino ang kaniyang aso kung kaya naman naging bonding na nilang dalawa ang mga ginagawa nilang tricks. Kahit medyo mayroong pagkamakulit ang kaniyang aso ay ayos lang sa lalaki dahil sa kaniyang palagay ay nagkakaunawaan sila.

Dumating ang panahon na nagkaroon siya ng trabaho at sa tuwing uuwi siya galing sa kaniyang trabaho ay babatiin na siya agad ng kaniyang aso pagbukas pa lamang ng pinto. Naging tunay niyang kaibigan ang aso niyang ito at sa tuwing nagagalit siya ay ito rin ang nagsilbing “stress-reliever” niya sa tuwing pagod na pagod na siya sa trabaho.

Dumating ang pagsubok sa kaniyang buhay kung saan talagang nahirapan siya ng husto pagdating sa pinansiyal. Maging ang dapat sanang kasal nila ng kaniyang nobya ay hindi na natuloy pa dahil dito.


Kinailangan din niyang lumipat ng mas maliit na tirahan. Hindi na niya kaya pang alagaan ang kaniyang aso kung kaya naman ibinigay na niya ito sa kaniyang kaibigan kahit na mabigat sa kaniyang kalooban.

Noong una ay hindi raw talaga ito kumakain ng ilang araw. Hindi nagtagal ay nawalan na sila ng komunikasyon ng kaniyang kaibigan. Nang muli silang magkita makalipas ang limang taon ay kinamusta niya ang kaniyang aso.

Dinalaw niya ito sa kanilang tahanan at nagulat siya dahil tila kilala pa rin siya ng kaniyang kaibigan kahit na ilang taon na rin ang nakalipas.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.