Connect with us

Viral

Malapit nang pumanaw ang leon na ito at wala nang pag-asa na mabuhay pa siya, hanggang sa nakatagpo siya ng “tunay na pag-ibig”!

Published

on

Siya si Kahn, isang male African lion habang si Sheila naman ay isa sa mga “rare white lioness”. Sila ay isang magandang halimbawa ng “feline love”.

Sila ay nailigtas ng In-Sync Exotics Wildlife Rescue and Education Center sa Texas. Nang mailigtas nila si Kahn ay talagang napakapayat na nito.

Mayroon ding kagat ang kaniyang buntot na talagang naging dahilan ng kaniyang stress at pagkainip.


“He was very friendly though, so it was easy to treat him and get him comfortable with his new surroundings. Sheila, on the other hand, was in very bad shape … Sheila was almost dead,” Pahayag ni Vicky Keahey, founder ng rescue center.

Samantala, si Sheila naman ay 15 buwan pa lamang noon nang siya ay mailigtas nila. Sobrang mahina ang kaniyang katawan at talagang hindi ito makatayo.

Ang tanging nagagawa lamang niya ay humiga at walang tigil na sumuka. Ayon sa USDA, kailangan na itong i-euthanize. Buti na lamang at hindi agad sumuko sa kaniya ang rescue center.

“For two weeks Vicky had to hand feed Sheila – rolling up meatballs and pushing them down her throat,” komento naman ng staff na si Angela Culver.

“It took some time to recover, but they both did.” Dagdag pa ni Angela.


Lumipas pa ang ilang mga araw, linggo, at buwan at talagang napansin nila ang pambihirang pagbabago sa dalawang leon na ito. Nakapagpagawa na rin ang rescue center ng lion enclosure kung saan magiging magkapitbahay sina Sheila at Kahn.

“Sheila spent the next few months showing off for Kahn, and Kahn strutted his stuff for her,” Pahayag ni Keahey.

Ayon pa sa kanila, hinayaan daw nilang mag-date ang dalawa sa loob ng tatlong buwan. Hindi naglaon at mas tumagal ang mga date na ito hanggang sa hindi na nila sila binabantayan pa sa tuwing magkikita sila.

“Then we let them spend the night together. After three months of dating, we let them get ‘married,’” Pagsasalaysay pa ng mga staff.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.