Connect with us

Viral

Isang pet dog ang palaging nagbibigay ng paborito niyang laruan sa tuwing maririnig ang anak ng kaniyang mga amo na umiiyak!

Published

on

Siya si Brutus, isang mabait na bullmastiff na nakatira sa North Carolina kasama ang kaniyang pamilya. “Fluffball toy” ang paborito nitong laruan. Ito ang kulay dilaw na bagay na palagi niyang kagat-kagat at talagang nasisiyahan siyang paglaruan ito araw-araw.

“It’s the only toy that he won’t tear apart in five minutes,” Pahayag ni Bonnie Michalek, fur daddy ni Brutus.

Kahit pa nga raw likas na makulit ito at palaging naninira ng mga laruan at gamit sa kanilang bahay ay napakabait na aso nito sa kanila. Nang makapanganak si Michalek sa panganay nila ng kaniyang mister ay hindi siya nag-alala na magkakasundo sina Kayden at Brutus.

Mahilig raw talaga sa mga bata si Brutus. Sa tuwing makakarinig ito ng mga batang naglalaro at nagsasaya sa labas ay nae-excite ito. Bago pa man malaman ng mag-asawa na buntis na si Michalek ay tila naramdaman na ito ng kanilang alaga.

“Brutus knew I was pregnant before I did — he definitely sensed it before I knew. On the nights my husband was working, Brutus refused to be in his crate.” Dagdag pa ni Michalek.

Inakala pa nga ni Michalek na talagang pasaway lang ang kanilang alagang si Brutus ng mga panahong iyon ngunit pinoprotektahan lamang pala siya nito kung kaya naman labis din siyang natuwa nang malamang siya nga ay buntis na. Nang umuwi na si Michalek kasama ang kanilang bagong silang na sanggol ay pinayagan din naman niyang makita ito ni Brutus.


Tila hindi na naawat pa si Brutus na halikan ang kaniyang bagong kapatid. Sa tuwing maririnig nitong umiiyak si Kayden ay talagang binibigay nito ang paborito niyang laruan sa sanggol marahil ay upang patahanin ito.

Para kay Brutus, ibang saya ang nararamdaman niya sa tuwing naglalaro siya ng fluffball kung kaya naman nais din niyang mapasaya si Kayden kung kaya ibinibigay niya ito sa kaniya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.