Connect with us

Viral

Isang elepante ang naging sanhi ng trapiko matapos nitong matulog sa gitna ng kalsada!

Published

on

Dito sa Pilipinas, tipikal na lamang ang magkaroon ng mga pet animals o mga alagang hayop. Halimbawa ay aso, pusa, ibon, isda, at marami pang iba.

Mayroon pa ngang iilan sa atin ang nag-aalaga ng mga exotic na hayop. Maaaring kinatatakutan ng marami ngunit para sa ilan nating mga kababayan ay interes at hilig talaga nila ito.

Ngunit paano at ano nga kaya ang maaari nating gawin kung isang araw ay makakita tayo ng dambuhalang hayop na nakaharang sa daan? Kritikal ito at talagang malaking problema kung tayo ay huli na para sa ating mga trabaho o eskwela.

Isang elepante ang hindi na napigilan pa ang kaniyang antok at natulog na lamang sa gitna ng kalsada. Ang elepanteng ito ay matatagpuan sa Nakhon Ratchasima, Northern Thailand.

Dahil sa kaniya ay marami ang hindi makadaan at tuluyan na ngang naabala dahil sa naging napakalaking harang niya sa kalsada. Isa na sa mga labis na naapektuhan si Nattawat Patsungsing. Ayon sa kaniya, halos 20 minuto rin daw na nakaharang ang elepante sa daan dahilan upang mahuli na siya sa kaniyang trabaho.

Upang maging ligtas mula sa dambuhalang hayop ay sinigurado din muna ni Patsungsing na mayroon siyang tamang distansiya mula sa elepante at talagang hindi siya gumawa ng kahit anong ingay. Kapansin-pansin pa nga sa naturang video kung paanong sarap na sarap sa kaniyang pagtulog ang elepante.

Hindi naman nagtagal at unti-unti na rin itong nagising. Itinaas na nito ang kaniyang “trunk”at tumayo gamit ang kaniyang mga paa.

Nakakamanghang makakita ng ganitong klase ng mga hayop lalo na sa mga lugar na hindi naman talaga tipikal makakita ng mga ganito. Ngunit hindi rin naman natin maiaalis na talagang magiging malaking abala ito sa nakararami lalo na kung ganitong matutulog ang isang dambuhalang hayop sa gitna ng kalsada na madalas dinaraan ng mga sasakyan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.