Connect with us

Viral

Reaksyon ng asong nanguha ng pagkain, pumukaw sa atensyon ng publiko!

Published

on

Marami na rin tayong nababalitaan patungkol sa mga alagang hayop o di kaya naman ay iba pang uri ng hayop sa buong mundo. Mayroong mga nakakatuwa, nakakalungkot, at nakakabahala.


Pumukaw sa atensyon ng publiko ang nakakatawang reaksyon ng asong ito matapos diumanong manguha ng pagkain. Mayroon na itong mahigit sa 7.7K na mga reaksyon.

Sa naturang video ay makikita ang isang aso na pumasok sa isang mistulang tindahan ng mga pagkain. Nang makapasok ito ay nakikiramdam pa ito at dahan-dahan pa itong lumapit sa mga pagkain.

Maya-maya pa ay nakakuha na ito ng makakain. Parang isang malaking tipak ng “fish cracker” ang kaniyang nakuha na agad naman nitong itinakbo.


Nakita rin sa CCTV na tila ba labis ang kagalakan nito sa nakuha niyang pagkain. Hindi nagtagal ay huminto ito at ibinaba sandali ang kaniyang pagkain. Ilang beses pa itong nakitang patalon-talon dahil sa kaniyang naging tagumpay.

Walang “audio” ang kumakalat na video online, ngunit kapansin-pansin ang tila pagtahol ng aso sa kaniyang pagkain. Pagkatapos ay muling kakagatin ito at kakaripas ng takbo.

Marahil ay naghahanap ito ng mas pribadong lugar upang doon ay kumain ng walang ano mang distraksyon o abala. Maraming mga netizens naman ang nagsabi na nakakatuwa talaga ang reaksyon ng aso na ito na marahil ay hindi makapaniwala dahil sa wakas ay mayroon na siyang makakain.

Madalas ay nakakaligtaan nating ipagpasalamat ang maraming mga bagay na tinatamasa natin sa ngayon. Hindi natin alam na may mga tao rin palang nagnanais na maranasan kung anong mayroon tayo.

Sa dami ng nagaganap sa ating kapaligiran, sana ay hindi rin mawaglit sa ating mga isipan ang mga kawawang hayop sa lansangan na kinakailangan pang magkalkal ng mga basura para lamang may makain sila. Marahil, kung mas magiging responsable tayong tagapag-alaga ay mas magiging maganda rin ang kalalabasan nito sa ating mga magulang.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.