Connect with us

Viral

Matalino at masipag na asong katuwang ng kaniyang amo sa kanilang restaurant, hinangaan ng publiko!

Published

on

Hindi na bago sa atin ang makakita ng mga hayop na kasa-kasama ng kanilang mga amo sa mall, grocery store, at sa iba pang pampublikong lugar. Madalas nga ay makikita pa natin ang mga ito na nakasakay sa stroller at nakasuot ng diapers.

Ngunit kakaiba sa nakasanayan na natin, mayroong napakasipag at napakatalinong aso sa South Korea na katuwang mismo ng kaniyang amo sa negosyo nilang restaurant. Siya ay si Haneul, “dog hostess” siya sa isang kainan sa kanilang lugar.

Hindi lamang siya bumabati sa mga kostumer nila na pumapasok kundi talagang nagsisilbi siya sa mga ito. Sa nakalipas na pitong taon ay malaki talaga ang naitulong ni Haneul sa kanilang negosyo.


Hindi lamang siya ang bumabati sa kanilang mga parokyano kundi maging ang kaniyang tatlong munting mga tuta. Pagpasok naman ng mga ito ay handa na rin siyang magbigay ng “wet tissue” at “menu”. Marami din ang natutuwa sa tuwing makikita ang lalagyan ng mga tips na ibinibigay sa kaniya ng kanilang mga kostumer.

Sa isang video pa nga ay makikita siyang nagbubukas ng isang maliit na basurahan na yun pala ay lagayan ng kaniyang mga tips. Isang video pa ang nagpabilib sa marami nang agad siyang kumuha ng mga plastic cups nang mayroong kostumer nagsabing wala nang cups sa kanilang coffee machine. Maging sa paglilinis at pagliligpit sa kanilang kainan ay maaasahan din si Haneul.

Tumutulong siya sa pagliligpit ng mga kalat at mga nalaglag na kubyertos sa ilalim ng mesa. Agad niyang tinatapon ang mga kalat habang inaabot naman niya sa kaniyang amo ang mga kubyertos.

Talaga namang nakakamangha ang kaniyang abilidad, hindi ba? Sadyang mapalad ang kaniyang amo dahil hindi lamang isang alaga o pet si Haneul dahil maaasahan talaga siya na para bang isang totoong tao.

Hindi lahat tayo ay nabibiyayaan ng ganitong klase ng alaga.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.