Connect with us

Viral

Isang raccoon at isang usa na nailigtas matapos masawi ang kaniyang ina, nagkaroon ng kakaibang pagkakaibigan!

Published

on

Si Carrie Long ay isang certified wildlife rehabilator. Isang araw ay nakatanggap siya ng tawag tungkol sa isang kakapanganak pa lamang na raccoon na nangangailangan ng kaniyang tulong.

Inabandona na ito ng kaniyang ina nang siya ay tatlong linggo pa lamang. Sa gitna ng matinding ulan ay nakaligtas pa rin ito matapos dumating ang mga kasamahan ni Carrie.

Kabilang si Carrie sa organisasyon na “Texas Fawn and Friends”, kung kaya naman hindi siya nagdalawang-isip pang tulungan ang kawawang raccoon. Madalas na puro usa lamang ang kaniyang inaalagaan kung kaya naman hindi rin naging madali ang pag-aalaga ng raccoon na pinangalanan niyang Jasper.

Hindi rin daw sila siguradong makakaligtas at mabubuhay pa si Jasper. Nakaligtas siya dahil na rin sa pagtulong sa kaniya ni Carrie.

Sa paglipas ng panahon, naging maayos na ang kalagayan ni Jasper. Ngunit hindi pa rin ito umaalis sa poder ni Carrie.

Kung kaya naman kasa-kasama nito ang 75 orphaned deer ng samahan. Naging sobrang malapit naman si Jasper kay Hope na nawalan ng ina noong ito ay bata pa lamang.
Palaging magkasama ang dalawa at talagang hindi napaghihiwalay.

“Jasper just loves her. When he sees her, he runs to lick and love on her. It’s just the cutest thing.” Pagkukwento ni Carrie.

“He sees her every day. In the evening, she comes and lays next to him. They’ve got a cool relationship going on.” Dagdag pa niya.

Sa ngayon ay nasa 100 orphaned deer ang balak alagaan nina Carrie sa kanilang animal sanctuary. Buti na lamang at mapagmahal sila sa mga hayop kung kaya naman patuloy at patuloy pa ring nagiging maayos ang kalagayan ng mga hayop na napupunta sa kanilang pangangalaga.

Kung hindi dahil sa kanilang determinasyon at pagkalinga ay marami na sa mga hayop na ito ang napahamak at nasawi ng tuluyan. Kung kaya naman malaking bagay pa rin talaga ang mga tao at mga organisasyong nagpapahalaga sa mga hayop sa ating kapaligiran.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.