Connect with us

Viral

Isang cute na pusang ligaw ang lumapit sa isang nars na ito na pagod na pagod na sa kaniyang trabaho ng mga oras na iyon!

Published

on

Si Flaty ay kasalukuyang nasa training bilang isang nars at nasa kaniyang internship sa isang ospital sa Egypt. Mahirap ang kaniyang trabaho ngunit hindi ito naging hadlang upang siya ay sumuko at panghinaan ng loob.

Nang minsang magkaroon siya ng saglit na break sa kaniyang shift ay mayroong pusang ligaw na bigla na lamang lumapit sa kaniya. Ang kanilang pagtatagpo ay talaga namang nagpagaan ng kaniyang kalooban.

Ayon kay Flaty, kasama niya ang kaniyang mga katrabaho nang lumapit sa kaniya ang pusa at unti-unting umakyat sa kaniya. Hindi nagtagal at nakatulog pa nga ito mismo sa kaniya.

Labis siyang nasorpresa sa ginawang ito ng pusa dahil sa nagtiwala ito sa kaniya at nakatulog ng mahimbing. Kadalasan kasing hindi maganda ang pagtrato ng mga tao sa kanilang lugar sa mga pusa kung kaya naman ilag at iwas ang mga pusa sa maraming tao noon pa man.

Ngunit kakaiba ang munting pusa na ito dahil marahil ay naramdaman din nitong kailangan din ni Flaty ng “comfort” ng mga oras na iyon. Halos 20 minuto rin daw siyang nakatulog sa kandungan ni Flaty.

Dahil sa kanilang pagtatagpo ay talagang mas gumanda ang pakiramdam niya kumpara nitong mga nagdaang buwan dahil na rin sa hirap ng kanilang trabaho.

“I had been on a 12-hour shift continuously for like 20 days straight, but that cat made all that seem like nothing. It was the best day I had all year, meeting her.” Pahayag ni Flaty.

Mula noon ay palagi nang inaabangan ni Flaty ang pusa ngunit hindi pa niya ito muling nakikita. Maraming mga netizens din naman ang na-touch sa kanilang pagtatagpo.

Para naman kay Flaty ay labis siyang nagpapasalamat sa pusa na iyon dahil sa nagawa nito para gumaan ang bigat na kaniyang nararamdaman. Tanging hiling lamang niya na muli sana silang magkita at maging magkaibigan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.