Connect with us

Viral

Mga pulis na naglagay ng “food” at “water dispenser” sa labas ng kanilang estasyon upang mapakain ang mga aso at pusang kalye, umani ng papuri sa publiko!

Published

on

Kasabay ng paglobo ng populasyon natin ay ang pagdami rin ng bilang ng mga hayop sa iba’t-ibang panig ng mundo. Marami itong naidudulot na maganda at hindi magandang mga bagay.

Halimbawa na lamang ay ang pagdami rin ng mga sakit na dulot ng ilang mga hayop. Tulad na lamang ng nakaraang pandemya na diumano’y mula raw sa isang uri ng hayop.

Sa kabila nito ay marami pa rin pala sa atin ang mayroong natitirang pagmamalasakit at pagmamahal sa mga hayop sa ating paligid. Lalo na iyong mga inabandona na ng kanilang mga amo.

Kamakailan lamang ay hinangaan ng publiko ang isang video na ito kung saan makikita ang isang abandonadong tuta na kumakain at umiinom sa isang “food” at “water dispenser” sa labas ng isang estasyon ng pulis. Ito ay matatagpuan sa Tacna, Peru.

Agad din namang kumalat ang video na ito dahil sa magandang ehemplo na naipapakita nito sa publiko. Tatlong estasyon ng pulis kasi ang naglagay ng “food” at “water dispenser” sa labas mismo ng kanilang mga estasyon upang makakain doon ang mga aso at pusa na walang tirahan.

Ginaya na rin ito ng ilang estasyon ng pulis sa Monsefú district sa Northern Peru. Dahil sa naging matagumpay ang proyekto ito ng National Police ng Peru ay mas hinikayat pa nila ang mga tao na tumulong din sa mga hayop na nangangailangan lalo na sa panahon natin ngayon.


Marami din namang mga netizens ang nagpahayag ng kanilang mga komento patungkol sa napakagandang ideyang ito na makakatulong hindi lamang sa mga hayop kundi sa maraming mga komunidad sa buong mundo. Kahit pala sa ganitong simpleng mga gawa ay malaki ang magiging bahagi ng bawat isa sa atin upang mapawi ang gutom at uhaw ng mga kawawang hayop sa lansangan.

Kung kaya naman tiyak na mas nadarami pa ang bilang ng mga lugar at mga taong gagawa ng ganitong klase ng proyekto.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.