Connect with us

Viral

Humanga ang publiko sa lalaking ito kasama ang alaga niyang kambing na umaastang isang aso!?

Published

on

Bakit nga ba marami sa ating mga Pilipino ang nagugustuhan ang mag-alaga ng mga hayop? Marami ang nagnanais na magkaroon ng alagang hayop upang makabawas ng stress sa pang-araw-araw nilang ginagawa.

Mayroon din namang iilan sa atin na nag-aalaga ng mga hayop dahil therapeutic ito para sa kanila. Habang ang iba naman ay nais ng bantay sa kanilang mga tahanan o di kaya naman ay makakasama sa bahay.

Hindi lamang aso, pusa, ibon, isda, mayroon pang mga exotic na hayop na talagang nagiging patok na ngayon. Ngunit maliban sa mga ito, maaari din palang maging pet ang isang kambing?

Isang lalaki mula sa Dumaguete City, Negros Oriental ang nakuhanan ng video nang minsang dalhin niya ang alaga niyang kambing. Bumibili ng tinapay ang lalaki sa isang bakery habang ang alaga niyang kambing ay tila umaastang aso!

Matapos nilang bumili ng tinapay ay tumayo pa ito na tila isang aso na nanghihingi ng treat sa kaniyang amo. Binigyan din naman ng kaniyang amo ang kambing ng kaunting tinapay.

Noong una ay marami ang labis na nagulat dahil hindi naman natural ang makakita tayo ng alagang kambing. Ngunit hindi nagtagal at mas marami na ang humanga sa kambing na ito.

Maya-maya pa ay nagulat ang mga taong naroroon dahil biglang sumakay sa motor ang kambing, hinihintay ang kaniyang amo. Nang makasakay na ang kaniyang amo ay para bang tao na humawak ito sa kaniyang balikat.


Sino ba naman ang mag-aakala na kayang-kaya itong gawin ng kambing? Kung ikaw ay magkakaroon ng isang alagang hayop, pipiliin mo rin kaya ang isang kambing?

Huwag din sana nating kalimutan ang mabigat na responsibilidad natin bilang mga pet owners. Hindi lamang mamahaling pagkain at gamit ang kailangan nila kundi atensyon at pagkalinga mula sa atin.

Hindi lamang sila mga alagang hayop kundi bahagi na ng ating mga pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.