Connect with us

Viral

Isang asong ligaw na mayroong sugat sa kaniyang paa ang bigla na lamang pumasok sa isang veterinary clinic!

Published

on

Marami na rin tayong napanuod na mga video kung saan mapapatunayan talaga nating may angking katalinuhan ang ilang mga hayop. Marahil ay nagkakaroon na rin sila ng ideya dahil sa araw-araw na nakikita nila at nakakasalamuha nila tayo.

Partikular na marahil ang mga aso na naninirahan sa lansangan. Batid nila kung paano alagaan ang kanilang mga sarili.

Alam din nila kung saan sila makakakuha ng kanilang makakain. Maging ang mga lugar na kanilang masisilungan kung sobrang lakas ng ulan o di kaya naman ay tirik na tirik ang araw ay alam din ng mga ito.

Kamakailan lamang ay namangha ang publiko nang mapanuod ang video ng isang aso na ito. Isang aso na bigla na lamang pumasok sa isang veterinary clinic na tila ba nanghihingi ng saklolo sa mga tao na naroroon.

Si Dayse Ferreira ay isang “animal doctor” o beterinaryo na nagtatrabaho sa isang clinic sa Juazerio Do Norte, Brazil. Isa siya sa mga staff ng klinika kung saan bigla na lamang pumasok ang isang sugatang aso.

Ang aso na ito ay walang kasamang amo o kahit sinong nagmamay-ari dito. Nakatitiyak sila na ang asong ito ay sa lansangan lamang nakatira.

Ibinahagi ni Ferreira na nang pumasok sa kanilang klinika ang asong ito ay agad nitong ipinakita sa kanila ang kaniyang paa na mayroong sugat. Matalinong aso dahil batid nito kung saan siya pupunta at hihingi ng tulong.

Dagdag pa ng doktor, hindi lamang pala sugatan ang paa ng aso dahil may sakit din ito base sa kaniyang naging pagsusuri dito. Marami itong garapata at nakita rin nilang may maliit itong bukol.

Agad naman nilang binigyan ng gamot ang aso at pinaliguan upang guminhawa ang kaniyang pakiramdam. Pinangalanan nilang Quindim ang aso na sa ngayon ay unti-unti nang gumagaling.

Dahil maraming mga netizens ang nakakita ng kaniyang kwento online, marami din sa kanila ang nagnanais na tumulong at mag-ampon dito.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.