Connect with us

Viral

Laking pasasalamat ng tuta dahil siya ay nailigtas ng mga rescuers na ito, talagang binaon pa nito ang kaniyang mukha sa bisig ng isa sa kanila!

Published

on

Kung nakakapagsalita lamang ang mga hayop, tiyak na marami tayong maririnig mula sa kanila. Hindi reklamo at galit kundi pasasalamat lalo na sa mga panahon na naililigtas natin sila sa tiyak na kapahamakan.

Kamakailan lamang ay mayroong isang tuta na nailigtas ng mga rescuers na ito. Mayroong isang concerned citizen na tumawag sa otoridad patungkol sa isang kawawang tuta na nakatira sa gilid ng basurahan.

Dito nagtatapon ng mga basura at iba pang mga hindi na pinakikinabangang bagay ang mga residente doon. Marahil ay doon na lamang ito iniwanan ng kaniyang dating amo sa pag-aakala na sa basurahan ito nararapat.

Nang makita ng mga rescuers ang kaniyang kalagayan ay labis silang nahabag sa asong ito. Pinangalanan nila itong Chowder.

Mayroong sugat sa kaniyang mukha si Chowder ngunit sa kabila nito ay ligtas na siya mula sa masasamang loob at sa tiyak na kapahamakan.


“He’s just a touch puppy! His eyes are tousled and he has puncture wounds on his face. Despite what he’s been through, he’s so happy. He is safe now.” Pahayag ng Stray Rescue sa kanilang social media account.

Ayon sa isa sa mga rescuers na nakilala bilang si Donna, nang lapitan niya si Chowder ay agad nitong kinawag-kawag ang kaniyang buntot na hinayaan niyang buhatin siya nito. Marami din silang naririnig na komento mula sa mga taong nakatira doon na usong-uso raw ang “dog fighting” kung saan pinaglalaban-laban ang mga malalaki at maliliit na aso lalo na ang mga pitbull tulad ni Chowder.

Nang isakay na nila si Chowder sa kanilang sasakyan ay nagulat silang lahat dahil bigla na lamang nitong binaon ang kaniyang mukha sa bisig ng rescuer na may hawak sa kaniya. Para bang isang tao na naging emosyonal sa isang pangyayari kung saan siya ay naligtas na.

“He just buried his face in our arms on his freedom ride. The thought of anyone treating him bad makes us so weepy. This angel needs us. We’re so grateful to the callers for taking action.” Dagdag pa ng Stray Rescue.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.