Connect with us

Viral

Kilalanin ang anim na buwang gulang na tutang ito, bagong miyembro ng Taiwanese Police squad!

Published

on

Pumukaw sa atensyon ng publiko ang bagong miyembro ng kapulisan ng New Taipei City Police Department. Siya ay walang iba kundi si Fushin na isang Labrador, anim na buwang gulang na siya.


Si Fushin ay isang buwang gulang pa lamang nang siya ay mapili bilang isa sa mga “blood detection dog” ng kanilang estasyon. “Lucky Star” ang kahulugan ng kaniyang pangalan na Fushin.

Tulad ng maraming mga tuta ay hilig talaga niya ang pagtulog at pakikipaglaro sa mga pulis. Dahil sa pambihira niyang ka-cutean ay hindi na nakapagtataka na tanghalin siyang “the cutest police dog”.

Si Fushin ay mayroon pang limang mga kapatid. Sina Schuman, Federica, Eagle, AJ, at Sunny na isinilang noong Mayo 9. Dalawa sa kaniyang mga kapatid ay isinilang na mayroong kulay itim na mga balahibo tulad ng kanilang mga magulang.

Ang kanilang mga magulang ay sina Yellow at Leader – pareho silang dalawang taong gulang na at nagtatrabaho bilangmga “sniffer dogs” sa detection dog team ng kanilang police department. Kakaiba si Fushin sa kanilang mga kapatid dahil siya ay mayroong kulay cream na balahibo.

Sasanayin siya bilang isang “blood detection dog” habang “drug detection dog” naman ang kaniyang mga kapatid. Ibinahagi din naman ni Captain Pan Tian-long na kapitan ng K9 unit na si Fushin ay talagang masipag at matapang.


“We plan to train him to become a blood detection dog. After the training, he would assist the police officers to discover, hunt and pursue traces at crime scenes as well as catch suspected criminals.” Komento ni Captain Pan.

Sina Fushin at mga kapatid nito ang kauna-unahan breed ng kapulisan kung kaya naman talagang inaalagaan sila ng mga ito.

“Fushin is especially cute because he is different from all the others, and he is the naughtiest” Komento ng isa sa mga pulis.

“Sometimes, he would fall asleep while eating, and then he would wake up suddenly and carry on eating like nothing happened. How could people not love something as cute as that?” Dagdag pa ng isa sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.