Connect with us

Viral

Isang elepante ang pinakawalan sa wakas matapos ang 40 na taon nito pagtatrabaho para sa mga turista!

Published

on

Kilala ang mga elepante sa pagiging isa sa pinakamatalinong hayop sa buong mundo. Hindi rin sila agresibo bagkus ay “gentle creatures” kung sila ay tagurian.

Madalas silang natatagpuan sa mga liblib na kagubatan ngunit minsan ay madali natin silang makita sa mga bansa tulad ng Thailand. Hindi na bago sa atin ang mga malalaking elepante na ito sa halos lahat ng kanilang mga “tourist destination”.

Palagi at palagi silang makikita sa mga lugar na ito kung saan marami ang mga turista – lokal man o dayuhan. Para kasi sa bansang ito, ang mga elepante ay “prized animals”.


Nakakalungkot lang din na marami sa kanila ang hinuhuli at kinakadena para lamang sa kaligayahan ng mga turista. Isa na rito si Thong Bai na isang bull elephant sa Thailand.

Isa siya sa mga naging sikat na elepante sa bansang Thailand dahil sa 40 na taon niya rito. Mayroong nagmamay-ari sa kaniya kung kaya naman nakagawa na rin ito ng mga commercial, pelikula, at sa ilang mga kasal.


Nang maibahagi ang kwento ni Thong Bai online ay talagang marami ang namangha at naawa dahil sa mahabang panahon ay nahirapan ito ng husto.

“More than forty years, he has served people, and he deserves freedom.”

Sa ngayon ay inaalagaan na ito sa isang santuwaryo. Tunay nga na maraming mga tao ang naawa dito dahil halos buong buhay nito ay wala siyang ibang ginawa kundi magpasaya ng mga turista.

Hindi na nabigyan pa ng pagkakataon na makapamuhay siya kasama ang kaniyang lahi. Marami din ang nakikiusap na sana naman ay ihinto na ang ganitong kalakaran pagdating sa mga hayop tulad ng mga elepante.

Sa iba’t-ibang panig ng mundo ay mayroon ding maraming kwento ng mga hayop na inabandona, inabuso, at sinaktan. Kung kaya naman sana ay tuluyan nang mawala ito para sa mga hayop at para sa mga susunod pang henerasyon.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.