Connect with us

Viral

Isang Spanish diver ang nagbuwis ng kaniyang buhay para lamang mailigtas ang balyenang na-trap sa isang ilegal na lambat!

Published

on

Nailigtas ng Spanish diver na ito ang isang 12-metrong humpback whale na ito na na-traop sa isang ilegal o ipinagbabawal na lambat sa Balearic Island ng Mallorca. Kasama no Gigi Torras ang ilan pang mga divers upang mailigtas ang napakalaking hayop na ito.

Para sa kaniya ay ito na raw ang pinakamaganda at pinakamainam na regalo para sa kaniyang kaarawan. Napansin din niya na tila nagbigay respeto sa kaniya ang balyena.

“It was like out of this world, it was incredible, just incredible.” Pahayag niya.

Ang insidenteng ito kung saan nakatagpo sila ng balyena sa lugar ay ikatlong beses pa lamang sa naging pagtatala ng kinauukulan doon. Tinawagan ng isang barko ang “Palma de Mallorca Aquarium” marine rescue center nang may mamataan silang dambuhalang balyena.

Natagpuan nila itong napapaluputan ng “crimson net” at hindi na mabuksan pa kahit ang kaniyang bibig. Ilang beses din nilang sinubok na maputol ang lambat na iyon upang mapakawalan ang balyena ngunit hindi sila nagtagumpay.


Tumulong na rin sa kanila ang Albatros at Skualo diving centers upang tuluyan nang mailagay maayos ang kalagayan ng kawawang balyena.

“The first ten seconds she got a bit nervous, you know, like bubbles everywhere, but then I don’t know, call me crazy but I think she knew we were there to help her and she just relaxed and we started working from the front of the mouth backwards.” Salaysay ni Torras na nagmamay-ari sa Albatrol diving center.

Hindi nagtagal ay nagtagumpay din silang tulungan ang balyena. Nagtagal pa ito ng ilang minuto kasama ang apat pang mga divers upang mabawi ng lakas.

Mayroon pa ngang tila “thank you” sign ang balyena bago pa man ito lumangoy palayo para sa mga taong nagligtas sa kaniya.

Sino ang mag-aakala na magagawa pala nilang iligtas ang dambuhalang hayop na ito na sa ngayon ay kakaunti na lamang din ang bilang?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.