Connect with us

Viral

Labis ang pasasalamat ng asong ito dahil siya ay na-rescue kung kaya naman niyayakap nito ang lahat ng kaniyang nakakasalubong!

Published

on

Sa tuwing natatakot, nag-aalala, at masaya tayo marami sa atin ang gusto ng yakap, hindi ba? Para bang ito ang paraan ng ating katawan upang maramdaman nating kumalma at makaramdam tayo na tayo ay ligtas na.

Hindi lamang pala tayong mga tao ang nakakaramdam nito, maging ang mga hayop din. Tulad na lamang halimbawa ng asong si Toro.

Para kasi sa kaniya ang pagyakap ay ang pagpapaabot ng pasasalamat sa mga taong nagligtas sa kaniya mula sa miserable niyang kalagayan. Nakaranas kasi siya ng pang-aabuso.

Sa katunayan ay natagpuan siyang nakakadena sa labas ng isang abandonadong gusali. Ang palagay ng mga taong nakakita sa kaniya ay naroroon na siya maliit na tuta pa lamang siya.

Buti na lamang at ligtas na siya ngayon. Dahil dito ay nais niyang iparating sa buong mundo kung gaano siya kaligaya at kung gaano siya nagpapasalamat sa mga taong nagligtas sa kaniya!

Noong unang dating ni Toro sa animal shelter ay halatang kabado at natatakot ito. Marahil ay hindi pa kasi siya sigurado sa kung ano ang magiging karanasan niya sa bagong kapaligiran at bagong mundo niya ngayon.

Nasanay kasi siyang mag-isa at puro pang-aabuso lamang ang nararanasan. Napansin din naman ng mga nag-aalaga sa kaniya kung gaano siya kabait na aso.


Makalipas ang ilang buwan ay talagang naging kapansin-pansin na ang pagbabago sa kaniyang pag-uugali. Kahit papaano ay nagtitiwala na ito sa mga tao sa kaniyang paligid – at magandang balita ito.

Kalaunan ay napansin ng mga staff sa shelter na halos lahat ng nakakasalamuha ni Toro ay talagang niyayakap niya. Marahil ay nag-uumapaw ang kaniyang kasiyahan kung kaya naman gusto niyang ibahagi rin ito sa ibang tao.

Ikinatuwa naman ng mga taong malapit sa kaniya at mga taong nag-aalaga sa kaniya ang ginagawang ito ni Toro. Dahil sa ngayon ay hindi na siya natatakot na magtiwala bagkus ay kaya na rin niyang iparamdam sa mga tao ang kaniyang nararamdaman.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.