Connect with us

Viral

Isang cute na video ng aso na hinahabol ng isang munting sisiw, nagpangiti sa maraming mga netizens!

Published

on

Kahit saang bahay tayo pumunta sa ngayon, talagang marami na ang mayroong mga alagang hayop kumpara dati. Kapansin-pansin ang mga pamilya ngayon na may alagang aso o pusa o di kaya naman ay iba’t-ibang mga uri ng isda o ibon.

Minsan nga ay mayroon pa tayong kakilala na mahilig mag-alaga ng mga exotic na uri ng pets – ahas, mga gagamba, at marami pang iba. Para sa iilan sa atin, madaling isipin na simple lamang ang pag-aalaga sa mga hayop na ito.

Ngunit huwag sana nating kaliligtaan na kailangan din nating maglaan ng oras at panahon para sa kanila. Nangangailangan din kasi ng atensyon ang mga hayop na ito, pagkalinga at pagmamahal.

Kapag naramdaman nila ang mga ito mula sa kanilang mga amo ay tiyak na ibabalik din nila ito sa kanila. Maraming dahilan kung bakit nag-aalaga tayo ng mga hayop, marahil ay para sa siguridad sa ating tahanan – matatakot kasi ang mga masasamang loob na basta na lamang pumasok sa ating tirahan kung may alaga tayong mga aso.

May paniniwala rin naman ang mga matatanda na ang pag-aalaga ng pusa ay maaaring makatulong upang lumayo at tuluyang umalis ang mga masasamang espiritu sa loob ng bahay. Habang pang-relaks naman at kasama sa bahay ang ilan pang mga hayop.


Kamakailan lamang ay umani ng maraming komento at reaksyon mula sa publiko ang video na ito ng isang aso at isang sisiw na naghahabulan! Talaga namang matutuwa ang sino mang makakapanuod nito dahil tila ba mga batang paslit silang naghaharutan sa gitna ng daan.

Ang video na ito ay kuha mula sa Barangay West Lamidan, Don Marcelino, Davao Occidental. Ibinahagi ito ng video uploader na si Lloyd Cabanda. Ayon sa kaniya ay alagang aso raw ito ng kaniyang pamangkin. Ang aso raw na nasa video ay kilala sa pagiging mabait at palakaibigan kahit na sa ibang mga hayop.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.