Connect with us

Viral

Isang alagang aso ang palaging nagchecheck sa triplets na ito upang masigurado na ligtas sila!

Published

on

Kilalanin natin ang aso na si Sunny. Siya ang maliit na Goldendoodle dog mula sa Brandford, Connecticut. Siya rin ang nagpoprotekta sa bagong silang na triplets ng kaniyang mga amo.

Talagang araw-araw ay sinisigurado niyang maayos at ligtas ang mga sanggol. Kung kaya naman talagang giliw na giliw sa kaniya ang publiko.

Agad na naging usap-usapan sa social media ang video ni Sunny na ibinahagi mismo ng magulang ng mga sanggol na ito na si Lauren Barnes.

Makikita sa mga video na ito kung paano niya protektahan ang mga sanggol na ito. Marami din namang mga netizens ang nagkomento at nagbahagi ng kanilang mga reaksyon patungkol dito.

Kapansin-pansin din naman kung gaano kagiliw si Sunny sa mga bago nitong kasama sa bahay. Wala ring pagsidlang ng tuwa ang kaniyang mga amo dahil sa pagiging maamo at mabait ni Sunny sa kanilang mga anak.

Maging sa pagtulong ng triplets ay nakatabi na rin sa kanila si Sunny. Sa iba pang mga video ay makikita rin siyang dahan na dahan na sinisilip ang unang sanggol, maya-maya pa ay ang ikalawang sanggol naman hanggang masilip niya at masigurado niya ang kaligtasan ng mga sanggol.

Nang matapos na ang kaniyang pagsilip ay tila ba isang tao si Sunny na nagsasabing “Tapos na ang trabaho ko dito.” Tunay nga na nakakatuwang pagmasdan ang ganitong klase ng tagpo.


Marahil marami din sa atin ang mayroong alagang hayop sa bahay kung kaya naman marami din ang nakaranas na ng ganitong klaseng ng mga pagkakataon. Kung mabuti ang ipinapakita mo sa iyong alaga at nararamdaman nito ang pagmamahal at pagkalinga mula sa iyo, walang duda na ibabalik rin niya sa iyo at sa iyong pamilya ang mga ito.

$bp(“Brid_52177666”, {“id”:”16989″,”width”:”758″,”height”:”426″,”video”:”1009844″,”autoplay”:0,”shared”:true});

Tulad na lamang halimbawa ni Sunny na mahal na mahal at labis ang pagprotekta sa mga sanggol na ito. Mapalad sila dahil mayroon silang aso na katulad ni Sunny.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.