Connect with us

Viral

Pambihirang disiplina ng mga asong ito, kuhang-kuha sa video na umani ng maraming komento mula sa publiko!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, talagang kabi-kabila na ang mga nakakalungkot na balita patungkol sa pagkasira ng ating kapaligiran at ng buong mundo. Ilan lamang sa madalas nating marinig ay ang “climate change” at “global warming”.

Hindi lamang tayong mga tao ang apektado nito kundi maging ang maraming uri ng mga hayop. Maliban pa rito ay laganap rin ang kahirapan, korapsyon, krimen, at ang mga pang-aabuso sa mga hayop.

Hindi na rin nakapagtataka kung bakit maraming mga hayop ang inaabandona ng kanilang mga amo sa kung saan na lamang. Madalas na mga pusa at aso ang nakikita nating palaboy-laboy sa lansangan.

Hindi nila alintana ang panganib na dulot nito sa kanila at sa mga munti nilang kuting at tuta. Sa kabila nito ay marami pa rin namang mga pribado at pampublikong organisasyon na tumutulong sa mga kawawang hayop na ito.

Mayroon pa rin namang mga animal shelter na kumakalinga at nag-aalaga sa mga hayop na ito. Kamakailan lamang ay napukaw ang atensyon ng publiko sa video na ito ng mga aso na may pambihirang disiplina sa kanilang mga sarili.

Mapapansin sa video na nasa isang maluwag na kulungan ang mga aso. Maya-maya pa ay mayroong isang lalaking pumasok sa kanilang kinaroroonan at tila mayroong sinasabi.
Sa bandang labas ay naroroon na ang kanilang nakahandang pagkain. Dahan dahan namang pinalabas ng lalaki ang mga aso papalapit sa kanilang kainan.

Kahit isa sa mga aso na ito ay walang naging pasaway na maunang kumain, bagkus sa hudyat ng lalaki sa video ay saka pa lamang sila nagsimulang kumain lahat. Nakakabilib naman talaga, di ba?

Kung marami sa ating mga Pilipino ang madalas na pasaway at hindi magawang sumunod sa mga simpleng paalaala, tiyak na mahihiya na sila ngayon dahil kahit mga aso pala ay kayang kaya nang sumunod sa simpleng utos lamang ng kanilang amo.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.