Connect with us

Viral

Isang tapat na alagang aso, todo bantay sa kaniyang amo habang ito ay namamahinga mula sa maghapon na pagtatrabaho!

Published

on

Noon pa man ay marami na tayong nababalitaan na magagandang balita patungkol sa mga matatapat na alagang hayop partikular na ang mga aso. Likas kasi silang masunurin at talagang tapat sa kanilang mga amo o tagapag-alaga.

Kamakailan lamang ay napansin ng maraming mga netizens ang larawan na ito ng isang matandang babae at ng alaga niyang aso. Kapansin-pansin na namamahinga at natutulog ang matandang babae sa isang tabi habang ang kaniyang alagang aso naman ay todo-bantay sa kaniya.

Talagang makikita kung gaano kahanda ang aso sa kung ano mang posibleng mangyari habang ang kaniyang amo ay mahimbing na natutulog. Ayon sa ilang mga ulat, isang concerned citizen ang kumuha ng larawan na ito.

Nag-aalala siya sa matandang babae kung mayroon itong sakit o ibang karamdaman. Nakita ito ng anak ng matandang babae na nakilala bilang si Madam Xiang.

Sinabi ng kaniyang anak na maayos naman daw na nakauwi sa kanilang tahanan ang kaniyang ina na labis din ang pasasalamat sa mga taong nag-alala para sa kaniya. Dagdag pa niya, ang aso sa larawan ay si Ah Du, sampung taon na ang nakararaan ng napulot nila ito at mula noon ay itinuring na nila siyang bahagi ng kanilang pamilya.

Palagi din daw itong kasama ng kaniyang mga magulang sa tuwing aalis ang mga ito dala ang kanilang munting sasakyan. Nang magsakit daw ang asawa ni Madam Xiang ay labis din daw na naapektuhan si Ah Du.
Palagi itong umuupo sa labas ng ospital na tila ba naghihintay sa pagbabalik ng kaniyang amo. Ngunit hindi nagtagal ay pumanaw na rin si Mr. Xiang. Ilang araw ding hindi uminom at kumain noon si Ah Du.

Mula noon ay palagi nang nasa tabi ni Madam Xiang ang alaga nilang aso na handang magprotekta sa kaniya ano man ang mangyari. Laking pasasalamat din naman ni Madam Xiang dahil mayroon siyang isang tapat na aso tulad ni Ah Du.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.