Connect with us

Viral

Isang software engineer, nag-rescue ng 735 na mga aso at nagtayo ng isang farm para sa mga nailigtas niyang hayop ang umaani ngayon ng papuri mula sa publiko!

Published

on

Usap-usapan ngayon ng publiko si Rakesh Shukla na isang software engineer at isang entreprenyur dahil sa pambihira niyang pagtulong sa mga asong ligaw at abandonado sa kanilang lugar. Ang huling bilang nila ng mga asong nailigtas niya ay 735 na.

Mga Labrador, Golden Retriever, Great Danes, Beagles, Dachshunds, Rottweiler, Saint Bernard ang ilan lamang sa mga asong nailigtas niya. Nagawa na rin niyang makapagtayo ng 3-acre farm sa Doddballapur sa India.

Ayon kay Shukla, karamihan daw talaga sa kaniyang mga nirerescue ay mga ligaw na aso at mga inabandona ng kanilang mga tagapag-alaga. Mayroon din daw siyang inaalagaan ngayon na 22 mga aso na kakapanaw lamang ng owner na isang businessman matapos itong masawi nang dahil sa isang criminal.

“I’m the last stop for these dogs. They are no longer cute and cuddly. Many are sick and no longer wanted,” Pahayag ng 45 taong gulang na si Shukla.

“I had worked in Delhi, in the United States and then set up my own company in Bangalore,” Dagdag pa niya.

“Life was all about buying big cars and expensive watches and living a fancy life. I had traveled and seen the world many times over, but then I was not happy.” Komento din niya.


Taong 2009 nang simulan niya ang ganitong aktibidad at hanggang ngayon ay nais pa rin niyang tulungan ang mga kawawang aso na magkaroon ng maayos at ligtas na tirahan.

“When we got home, she went and hid in a corner. I got down to her level on the floor and I was calling out to her. She was looking at me, she was scared, but I could see she wanted to trust me,” wika niya.

“And that’s when the moment happened—it was a physical feeling, my hair was tingling, I could feel a warm glow. And I’ve never needed to ask myself that question—’why am I here?’—again after that.” Dagdag pa niya.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.