Connect with us

Viral

Isang pusa ang galit na galit matapos makita ang kaniyang amo na mayroong dala-dalang bagong pet sa kanilang tahanan!

Published

on

Hindi na bago sa atin ang away ng aso at pusa hindi ba? Talaga namang kapag sila ay nagkasama sa iisang lugar, tiyak na magkakaroon at magkakaroon talaga ng away.

Hindi na nakapagtataka na talagang magselos ang mga alaga nating hayop lalo na kung mayroon tayong ibang hayop na dinala sa mismong bahay natin. Halimbawa na lamang ay ang pusang ito na nakilala bilang si Cato.

Talagang kitang-kita sa kaniyang hitsura ang kaniyang pagkadismaya dahil sa inuwing aso ng kaniyang amo. Isang araw ay nasa sala o living room ng kanilang bahay ang pusang si Cato.

Nakagawian na nito na silipin at hintayin ang kaniyang amo sa gawing bintana ng kanilang bahay. Ngunit nang araw na iyon ay labis ang pagkagulat nito nang makita ang kaniyang amo na mayroon na ngang dala-dalang aso papasok ng kanilang bahay!

Halatang ayaw ni Cato ang ideyang ito kung kaya naman ganoon na lamang ang pag-iingay nito at pag-meow! Maging ang misis ng kaniyang amo ay hindi rin nakaligtas sa kaniyang galit dahil umangil din ito sa kaniya nang sinubukan niyang patigilin ito.

Naisip ng amo ni Cato na si Kerry Gillette na kumuha ng isang aso dahil batid niyang agresibo talaga ang kaniyang pusa. Ang kanilang bagong aso na si Zoey naman ay isang “submissive”, mabait, at tahimik na aso kung kaya naman inisip niyang mainam itong kasama o maging kaibigan ni Cato.


Talagang matinding adjustment ang gagawin ni Cato ngayong naroroon na si Zoey sa kanilang tahanan. Nagbigay din naman ng update si Kerry sa kanilang YouTube account kung saan sinabi nilang maayos naman ang kalagayan ni Cato sa ngayon ay unti-unti na rin nitong natutunan ang makisama sa kaniyang bagong kaibigan na si Zoey.

Magkaiba man ang kanilang lahi ay tiyak na magkakasundo rin sila pagdating ng panahon. Sa ngayon ay kailangan muna nila ng paggabay ng kanilang mga pet owners.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.