Connect with us

Viral

Isang raccoon ang palaging bumibisita sa babaeng ito na minsang nagligtas ng kaniyang buhay sa loob ng tatlong taon!

Published

on

Marami na tayong nababalitaan na mga taong nagliligtas ng mga hayop. Hindi man sila nakapagsasalita ay tiyak na labis labis ang pasasalamat nila sa mga taong nagliligtas sa kanilang mga buhay.

Tulad na lamang ng isang baby raccoon na ito na ganoon na lamang ang pasasalamat sa babaeng nagligtas sa kaniyang buhay. Ang babaeng ito ay nakilala bilang si Nikki Robinson. Natagpuan niya ang kawawang raccoon sa gilid ng kalsada.

Agad niyang dinala ito sa isang wildlife rescue center ngunit puno na raw ito ng mga oras na iyon. Sinabihan siya ng isa sa mga staff nito na dalhin na lamang ito sa isang beterinaryo upang doon ay sumailalim ang raccoon sa euthanasia.

Nalungkot ng husto si Nikki dahil sa narinig niyang ito. Dahil dito ay minabuti na lamang niyang dalhin ito sa kaniyang tahanan upang maalagaan. Tinawag niya itong “Little Hands”.

Dahil sa kailangang magtrabaho ni Nikki ay palaging ang nanay niyang si Linda ang nag-aalaga sa raccoon. Noong una ay ayaw pang pumayag ng nanay ni Nikki ngunit dahil sa napakacute ng raccoon na ito ay hindi na rin siya nakatanggi pa.

Talagang inaalagan ng husto ni Linda ang raccoon na para bang tunay niyang anak. Lumipas pa ang ilang taon at unti-unti nang lumalaki ang raccoon kung kaya naman kailangan na nila itong ibalik sa natural nitong tirahan sa kagubatan.


Ngunit kahit pa nga naibalik na nila sa kagubatan si Little Hands ay palagi pa rin itong bumibisita kina Nikki at Linda sa loob ng tatlong taon. Palagi silang nakaupo sa duyan ni Linda, kumakain ng masasarap na snacks, at saka ihahatid nila ang raccoon pabalik sa kagubatan.

Talaga namang nakakamangha ang pangyayaring ito dahil ito na rin marahil ang paraan ng raccoon upang makapagpasalamat siya sa mga taong nagligtas sa kaniyang buhay at kumalinga sa kaniya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.