Connect with us

Viral

Alagang aso, hindi pumayag na iwanan ang kabaong ng kaniyang amo hanggang sa makarating sila sa sementeryo!

Published

on

Noon pa man ay madalas na nating marinig ang pagiging matapat ng mga alaga nating hayop sa atin partikular na ang mga aso. Kung kaya naman hanggang sa ngayon ay marami pa rin ang nagnanais na mag-alaga ng mga hayop sa kanilang mga tahanan.

Hindi lamang dahil nagbibigay silang kasiyahan sa atin kundi dahil nakakasama rin natin sila anumang pagsubok at hamon ng buhay ang ating pinagdaraanan. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwento na ito ng asong si Lessie na talagang umantig sa puso ng marami.

Ang pangalan niyang Lessie ay mula pa sa isang pelikula. Ngunit ngayon ay tila isang pelikula na rin ang kaniyang buhay dahil hindi inaasahang pumanaw na ang kaniyang amo.

Hanggang sa kahuli-hulihang sandali ay hindi pumayag si Lessie na iwanan ang kaniyang pinakamamahal na amo. Bago pa man dalhin sa huling hantungan ang kaniyang amo ay talagang nakamasid na ito sa kabaong nito na tila ba nais niya itong protektahan mula sa mga taong lalapit dito.

Marami naman sa mga nakiramay ang namangha sa asong ito dahil talagang tahimik lamang ito at hindi gumagawa ng anumang ingay. Dumating naman ang pagkakataon kung saan dadalhin na sa sementeryo ang labi ng kaniyang amo kung kaya naman agad itong umakyat sa sasakyan at tinabihan ang kabaong.


Umani ng maraming papuri ang pambihirang katapatan at pagmamahal ni Lessie sa kaniyang amo.

“God bless this little dog. They are a man’s best friend and never forget their owners even if some of them have been bad,” pahayag ng isa sa mga netizens na nagkomento sa mga larawan ni Lessie at ng kaniyang amo na namayapa na.

Tunay ngang higit pa sa isang kapamilya ang turing sa atin ng mga alaga nating hayop. Inaakala nating hayop lamang sila at walang pakiramdam ngunit mayroon din pala silang ganitong klase ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kanilang mga amo.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.