Connect with us

Viral

Isang husky ang nagligtas sa isang college student na ito na nahulog sa isang hiking trail!

Published

on

Inakala ng college student na si Amelia Milling na tapos na ang pangarap niyang bakasyon nang magising siyang sugatan at duguan matapos niyang malaglag ng 100 metro mula sa isang hiking trail. Ang 21 taong gulang na estudyante ay nagha-hike sa Crow Pass Trail sa Alaska.

Mag-isa lamang siya noon nang masira ang kaniyang hiking poles na naging dahilan upang magkamali siya ng tapak at doon na nga siya tuluyang nahulog. Sa naging panayam sa kaniya ng CBC, naikwento pa niya ang naging karanasan niya nang malaglag siya.

“I felt like I was flying,” Pahayag ni Milling

Matapos nito ay doon na niya naramdaman ang matinding sakit dahil sa kaniyang mga pasa at ilang mga sugat na natamo. Maya-maya pa ay napansin niya ang isang kulay puti na aso na bigla na lamang sumulpot.

Inakala din niyang wolf ang asong ito at talagang nabahala siya sa kaniyang kaligtasan ngunit wala rin naman siyang magawa dahil sa hindi talaga niya kayang kumilos pa. Hindi rin naman nagtagal at nakita niya ang nakasulat sa bone tag nito na “Crow Pass Guide, Return to …” kalakip ang tirahan ng kaniyang amo.

Ang pangalan ng aso na nagligtas at tumulong sa kaniya ay Nanook o Nookie. Halos dalawang araw din itong hindi umalis sa kaniyang tabi buhat nang ito ay mahulog.

Ang mismong husky pa raw mismo ang humikayat sa kaniya upang bumangon muli at makalakad. Kung hindi raw dahil sa asong ito ay hindi niya talaga makakaya ang bumangon at lumakad dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman ng mga panahong iyon.

“If he didn’t show up, I probably wouldn’t have gotten back up and kept walking that much.” Kwento pa ni Milling.

Nang gumawa raw ng tent si Milling kinagabihan at niyayang pumasok ang husky sa loob upang makapahinga ay hindi ito pumayag dahil sa pang-isang tao lamang ang laki ng tent na iyon.

“I realized he really was sticking with me when he greeted me in the morning when I unzipped my tent. He had stayed the entire night next to me.” Dagdag pa ni Milling.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.