Connect with us

Viral

Isang Golden retriever, hindi iniwanan ang kaniyang amo kahit isang saglit lang matapos nitong mahimatay!

Published

on

Marami ang tumulong sa babae na ito matapos na bigla na lamang siyang mahimatay sa daan. Rumesponde kaagad ang ambulansiya kung kaya naman agad din siyang nalapatan ng lunas.

Napansin ng mga paramedic na hindi siya iniwanan ng kaniyang alagang aso na isang Golden retriever. Talagang nakabantay lamang ito sa tabi ng kaniyang amo.

Dahil sa ginawang ito ng aso ay pinahintulutan siya ng mga paramedic na makasakay sa ambulansiya kasama ang kaniyang among babae. Ayon sa mga taong nakasaksi ng pangyayari, nang mahimatay raw ang babae ay hindi mapakali ang aso at talagang umikot daw ito ng umikot na tila ba humihingi at naghihintay ng tulong.

Nakuhanan pa nga ito ng video kung saan makikita ang babae na nakahiga sa sahig at hindi na gumagalaw pa. Makikita rin ang aso na hindi umaalis sa tabi ng kaniyang among babae kahit naisakay na ito sa stretcher.

Agad silang dinala sa isang lokal na ospital upang masuri at masiguro na rin ang kaligtasan ng babae. Nang magkamalay naman ang babae sa ospital ay kaagad nitong hinanap ang kaniyang aso.

Buti na lamang at pinayagan rin ng mga medical staff roon na makapasok ang hayop upang makita ito ng kaniyang amo.

“When we saw the patient hugging her dog, we knew we did the right thing by allowing it to tag along,” Pahayag ng head nurse ng ospital na si Zhang Jihong.

Nasa maayos nang kalagayan ang babae na ang naging sanhi pala ng pagkakahimatay niya ay ang labis na pag-inom niya ng alak nang kinagabihan.

“At first, we were afraid to approach the woman directly since the dog is a rather large one,” komento naman ni Yu Jingjing, isa pang nars sa naturang ospital.

$bp(“Brid_49337903”, {“id”:”16989″,”width”:”758″,”height”:”426″,”video”:”988309″,”autoplay”:0,”shared”:true});

Marami pang mga staff ng ospital ang humanga sa aso dahil hindi talaga ito naging sakit ng ulo sa kanila nang magdesisyon sila na papasukin ito. Talagang mahal na mahal lamang nito ang kaniyang among babae kung kaya hindi niya talaga ito maiwanan kahit saglit lamang.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.