Connect with us

Viral

Isang asong kalye, mabait na naghihintay sa labas ng isang sandwich shop gabi-gabi para sa libreng pagkain!

Published

on

Gabi-gabi ay talagang naghihintay ang aso na ito sa labas ng isang sikat na sandwich shop. Talagang naghihintay ito para sa sinumang magbibigay sa kaniya ng libreng makakain.

Batid ng aso na sa oras na makita siya ng mga staff roon na naghihintay sa labas ay agad silang gagawa ng isang espesyal na pagkain para sa kaniya. Ang taguri sa kaniya ay “Subway Sally” dahil walang kahit isang beses sa loob ng isang taon na hindi ito nagtungo sa sikat na tindahan ng mga tinapay.

Ibinahagi ng isa sa mga staff ng naturang establisyemento ang kaniyang video na sa ngayon ay mayroon nang mahigit sa 21 million views sa social media platform na TikTok. Ngunit hindi lamang pala sa establisyementong ito siya nakakakuha ng libreng makakain.

Dahil mayroon pang ilang sandwich shop ang pinupuntahan nito kung sakaling hindi siya nabibigyan ng pagkain dito.

“If we’re too late to give her food, she’ll go across the street to Taco Bell,” Komento ni Kxnuko na isang Subway staff member.

Maraming mga netizens ang nakapansin na masyadong malinis ang asong si Sally para sabihin na siya ay isang asong kalye. Binigyang-linaw din naman ni Kxnuko na kaya lamang malinis si Sally ay dahil na rin sa pagmamalasakit ng mga tao sa kanilang komunidad.

Mayroon kasing isang babae na nagtatrabaho sa isang local flower shop na minsan ay nagpapaligo sa kaniya. Noon pa man ay nare-rescue na si Sally ng mga otoridad ngunit palagi itong nakakawala at bumabalik lang din sa kanilang lugar.

Minsan na rin siyang nakita ng mga residente roon na mayroong alagang apat na mga supling kung kaya naman naisip din nilang isa ito sa mga dahilan kung kaya naman ayaw nang umalis ni Sally sa lugar nila.

$bp(“Brid_49247550”, {“id”:”16989″,”width”:”758″,”height”:”426″,”video”:”987521″,”autoplay”:0,”shared”:true});

“Multiple people have tried taking her but she never wants to go. I suspect she has a regular place to sleep and possibly care for her puppies.” Dagdag pa ni Kxnuko.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.