Connect with us

Viral

Batang napadaan lamang sa kinaroroonan ng dalawang aso, niyakap ang mga ito habang walang sinuman ang nakatingin!

Published

on

Hindi madali ang magpalaki ng anak, tiyak na maraming mga magulang ang sasang-ayon. Hindi lamang dahil kailangan talaga ng mga magulang na magtrabaho ng husto para sa kinabukasan ng kanilang mga anak kundi kailangan din nilang siguraduhin na lalaki ang mga ito na mabuting mga tao.

Marahil ay proud na proud ang mga magulang ng batang ito na namataan sa isang video na niyayakap ang mga aso na nakita niya sa daan. Siya ay nakilala ng publiko bilang si Ibrahim na isang schoolboy mula sa siyudad ng Grozny, Chechnya.

Isang araw habang naglalakad siya pauwi galing sa eskwela ay mayroon siyang nakitang mga aso sa tabi ng kalsada. Sa halip na dumiretso na lamang ng tingin at huwag pansinin ang mga aso na iyon ay talagang huminto pa ito at saka niya niyakap isa isa ang dalawang aso.

Inakala siguro ni Ibrahim na walang nakakita sa kaniyang ginawa ngunit nakuhanan ito kaagad ng video ng isa sa mga nakatira sa lugar. Unti-unti naman itong kumalat online at umani ng maraming views at comments.

Isa na sa mga nakapanuod ng video ang kanilang family friend.

“I saw the video. That’s Ibrahim,” komento ni Katerina na kaibigan ng kaniyang mga magulang.

“He goes to school with my daughter and helps her carry her bag. He’s a very kind boy.” dagdag pa niya.

Marahil ay marami sa atin ang maglalakad ng mabilis o di kaya naman ay tatakbo na lamang kung makakakita tayo ng mga aso sa daan. Pangungunahan tayo ng takot at pagdududa kaysa sa pagmamahal at pagmamalasakit na ipinamalas ni Ibrahim.

Dahil sa video na ito, maaari nating mapatunayan na hindi naman pala lahat ng mga aso o mga hayop ay sasaktan tayo. Bilang mga tao ay pwede rin pala nating ipakita ang pagmamahal at pagmamalasakit natin sa kanila.

$bp(“Brid_40274947”, {“id”:”16989″,”width”:”758″,”height”:”426″,”video”:”929568″,”autoplay”:0,”shared”:true});

Ikaw, ano ang gagawin mo kung mangyari rin sayo ito?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.