Connect with us

Viral

Isang Dalmatian na mayroong hugis-puso na marka sa kaniyang ilong, kinagigiliwan ngayon ng publiko!

Published

on

Ang mga Dalmatians ay isa sa pinakasakit at pinakamagandang dog breed dahil sa mga marka nilang taglay sa kanilang katawan. Ngunit kakaiba ang Dalmatian na ito na nakilala bilang si Wiley.

Ang isa sa mga marka niya kasi sa katawan ay matatagpuan sa kaniyang ilong. Hugis puso ito at talagang halatang-halata.

Talaga namang halos lahat ng mga netizens ay giliw na giliw sa kaniya. Sa ngayon ay mayroon na siyang higit sa 100,000 followers sa Instagram.

Ang kaniyang fur mom na si Lexi Smith ay tuwang-tuwa nang una niyang makita si Wiley. Nang makauwi na sila sa kaniyang bahay ay nag-alala pa ito dahil sa posibleng pagkawala ng mga marka na ito na hugis-puso.

“I wasn’t sure if it was going to stick because the top left part of it was a somewhat detached spot,” Komento ni Lexi.

Ngunit sa paglipas ng panahon ay hindi pa rin ito nawala at mas lalo pang naging kapansin-pansin. Dahil na rin sa napakarami niyang followers ay palagi ngang may nakakilala sa kaniya sa tuwing lalabas at aalis sila ng bahay ng kaniyang fur mom na si Lexi.

“When they notice the heart nose, they go crazy. Everyone stops me to pet him and love on him. He loves every bit of it, though.” Komento niya.


“The sweetest with the best personality” ang paglalarawan ni Lexi sa kaniyang alagang si Wiley.

Ilan sa mga hilig ni Wiley ay ang pagtulog, paglalaro ng bola, pagha-hike at ang paglalaro kasama ang kaniyang matalik na kaibigang si Tucker.

Tunay nga na nakakatuwa magkaroon ng isang asong tulad ni Wiley. Hindi lamang dahil sa masarap itong kasama, nakakawala talaga ng pagod at stress, kundi dahil sa likas na tapat at mapagmahal din ang mga asong ito.

Lalo na kung pinapakitaan din talaga sila ng pagmamahal at pagkalinga ng kanilang mga amo.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.