Connect with us

Viral

Isang elepante ang agad na sumaklolo sa kaniyang tagapag-alaga na muntikan nang malunod sa ilog!

Published

on

Marami ang nagulat sa ginawang ito ng isang batang elepante sa kaniyang tagapag-alaga. Muntikan kasi itong malunod sa ilog kung kaya naman agad agad na sumaklolo ang batang elepante sa kaniyang kaibigan.

Ang elepanteng ito ay nakilala bilang si Kham Lha. Nailigtas siya mula sa kaniyang mapanakit na amo at si Darrick na ang talagang nag-alaga at kumalinga sa kaniya mula ng panahong iyon.

Hindi na nakapagtataka na maging malapit sila nang husto sa isa’t-isa. Isang araw ay napansin ni Khan Lha na tila nahihirapang lumangoy ang kaniyang kaibigan na si Darrick sa gitna ng ilog kung kaya naman agad agad itong lumusong at iniligtas ito. Si Darrick ay mula pa sa Northern Thailand ngunit siya ay laking Toronto, Ontario talaga.

Ibinahagi niya na noong napunta sa kanila si Kham Lha ay talagang hindi maayos ang kalagayan nito. Nakatali raw ito at sapilitang pinagsasanay bago isabak sa trabaho na may kinalaman sa turismo at mga turista.

“Kham Lha was in a really bad way when she came to us. She had been tied up and forced to undergo cruel training known as crushing to prepare her to work in the tourist industry.” Pahayag ni Darrick.

“We freed her and helped her to recover. She became really close to me, and we formed a strong bond. I went in the river to show just how remarkable the relationship with humans is. And that if you show warmth and kindness to them, they will treat you well, too.” Dagdag pa niya.

$bp(“Brid_59432119”, {“id”:”23832″,”width”:”758″,”height”:”426″,”video”:”1066881″,”autoplay”:0,”shared”:true});

Noon pa man ay marami na talagang ganitong klase ng pang-aabuso sa mga batang elepante lalo na at isa rin talaga sa mga atraksyon sa Thailand ay ang mga malalaking hayop na ito. Nakakalungkot lamang na kailangan nilang pagdaanan ang mga mahihirap na pagsasanay na ito at ang pagmamalupit ng ibang mga tao sa kanila.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.