Connect with us

Viral

Kilalanin ang lalaking mahilig sa mga leon at tigre na talaga namang nagpamangha sa publiko!

Published

on

Bata pa lamang tayo, batid na natin kung gaano ka-delikado ang mga malalaking tigre, leon, at leopards. Kung kaya naman talagang walang magnanais sa atin na lumapit sa mga ito o kahit tumapak lamang sa kanilang teritoryo.

Madalas na nakukuntento na tayong masilayan sila sa malayo o di kaya naman ay sa mga videos o mga larawan. Tinuturo din sa atin na sa kabila ng pagiging mapanganib nila ay hindi sila dapat basta basta na lamang patayin dahil mayroon din silang mga buhay na dapat nating protektahan at pangalagaan.

Maraming mga hayop ngayon ang nanganganib nang mawala kung kaya naman responsibilidad nating mga tao na kahit papaano ay tulungan silang manatili sa mundong ito at hindi sila tuluyang maubos dahil lamang sa ating mga kapabayaan. Ngunit para sa couple na sina Armand at Beatrice Gerber, mas gusto nila ang “close and personal” pagdating sa mga wildcats na ito.

Araw-araw ay natural na lamang sa kanila ang makipagyakapan at kulitan sa sampung mga leon, tatlong mga tigre, dalawang mga leopard, at isang cheetah sa Iron Throne Predator and Wildlife Park sa South Africa. Ito ang sanctuary ng mga rescued captive-born wild cats na ito, ang lugar kung saan talagang mas ramdam nilang ligtas sila mula sa mga mapang-abusong tao at hunters.

Kahit pa nga batid nilang delikado ang trabaho nilang ito, gustong-gusto pa rin ni Armand ang kanilang ginagawang pag-aalaga sa mga ito araw-araw. Maaaring hindi raw sasang-ayon ang karamihan ngunit para kay Armand ay biyayang maituturing ang pagkakataon na ito na makasama ng malapitan ang mga wildcats na ito.


Hindi raw ito ganoon kadali dahil kailangan mo din daw maging focus kasabay ng pagpapakita ng respeto sa mga hayop na ito. Pamilya na rin daw ang turing nila sa mga hayop na kanilang inaalagan kung kaya naman talagang araw-araw ay nasasabik silang gawin ang kanilang mga trabaho.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.