Connect with us

Viral

Isang Thai na lalaki, naghanda ng isang “grand buffet” para sa kaniyang alagang aso na nawala nang apat na araw bilang pagdiriwang sa muli nitong pag-uwi!

Published

on

Hindi nagdalawang-isip ang isang lalaking ito mula sa Thailand na ipaghanda ng “grand buffet” ang alaga niyang aso na nawala ng apat na araw sa kanila. Siya ay nakilala bilang si Boonsong Meethao, 60 taong gulang.

Ayon sa kaniyang naging salaysay, tumakbo papalayo ang kaniyang alagang aso na si Lukmoo gabi ng Bagong Taon matapos nitong makarinig ng sunod sunod na putok ng “fireworks” o paputok sa kanilang lugar. Kinabukasan ay kaagad niyang hinanap ang kaniyang alaga ngunit hindi na niya ito makita pa.

Kahit saan at kahit anong hanap ang gawin niya ay talagang hindi niya matagpuan ang kaniyang alaga kung kaya naman labis ang pag-aalala nito na maaaring ito ay gutom na gutom na.

“I rode a motorbike to look for her everywhere and couldn’t find her, so I went to pray because I was scared she might starve to d3ath,” Pahayag ni Boonsong.

Dahil sa karanasan niyang ito, ipinangako niya sa kaniyang sarili na kapag umuwi si Lukmoo sa loob ng limang araw ay talagang maghahanda siya ng isang “grand buffet” bilang pagdiriwang.

“I knew that if she went missing for more than five days, she wouldn’t have food and water and could die. So I said if she came back in five days, I’ll throw her a buffet,” Paliwanag pa ni Boonsong.


Enero 5 ay nakauwi na sa kanila si Lukmoo at talaga namang masayang masaya si Boonsong. Dahil dito ay itinuloy niya ang kaniyang plano noong Enero 26 bilang pagdiriwang sa muling pagbabalik ng kaniyang alagang aso.

Mayroon ding banner si Lukmoo at talagang napakaraming dumalo sa kaniyang tila “party”. Walang pagsidlan ang kaligayahan ni Boonsong dahil sa wakas ay kasama na niyang muli ang kaniyang alagang si Lukmoo.

Napakabait daw nito sa umaga ngunit napakahusay na bantay naman pagsapit ng gabi. Kung kaya naman talagang mahal na mahal daw niya ang alaga niyang ito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.