Connect with us

Viral

Isang napakacute na tuta ang inampon at araw-araw na pumupunta sa isang construction site upang magbahagi ng “positive energy” at “motivation” sa mga empleyado roon!

Published

on

Ang simple at “petiks” na trabaho, iyan na yata ang isa sa pinapangarap na trabaho ng marami sa atin. Iyong trabaho na hinding-hindi ka talaga mapapagod!

Isang netizen ang nag-ampon ng isang tuta nang minsang makita niya ito na inabandona sa gate ng isang worksite. Sa unang tingin ay isang munting tuta lamang ito ngunit kalaunan ay makikitang tila mayroong pagka-arogante o “attitude” ang maliit na tutang ito.

Babae ang tuta kung kaya naman Tower Crane ang pinangalan dito. Agad din namang dinala sa beterinaryo ang tuta upang masuri kung mayroon ba siyang sakit o karamdaman, naging maganda naman ang resulta at walang anumang sakit si Tower Crane.

Tinanong ng netizen sa kaniyang boss kung maaari ba niyang dalhin sa construction site nila ang naturang tuta na agad din namang sinang-ayunan ng boss nito. Ito ang naging simula nang araw-araw na pagpasok ni Tower Crane sa kanilang site.

Hindi nila namamalayan na ito na ang nagiging mascot doon – madalas siyang namamataang kumakain, umiinom, at natutulog! Ito lamang ang kaniyang mga trabaho o responsibilidad roon.

Kahit madalas siyang matulog ay talagang nakapagbibigay pa rin ito ng motibasyon sa kaniyang amo at sa mga katrabaho nito sa naturang construction site. Hindi na bago sa kanila na laging tulog si Tower Crane, kung gising naman ito ay palagi itong nangungulit o di kaya naman ay namamasyal-masyal sa lugar.


Marami ang talagang natutuwa sa kaniya dahil sa tuwing mapapagod ito ay kung saan saan na lamang nila ito nakikitang inaabutan ng antok. Nariyan na ang namataan siya sa gilid ng bintana habang tila puyat na puyat at pagod na pagod kahit wala naman talaga siyang ibang ginagawa sa maghapon.

Sa kabila ng pagiging antukin niya ay talagang napamahal na siya sa mga empleyado roon. Talagang cute na cute ang mga ito sa kaniya dahilan upang mas ganahan pa silang magtrabaho sa araw-araw.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.